Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“Ginger works like magic.”
Napakamahal ng luya ngayon sa merkado dahil kadalasan ay umaabot ito sa P250 o higit pa kada kilo.
Hindi ito dapat mangyari dahil marami namang luya na nakatanim sa probinsiya at may mga luya rin na mula sa ibang bansa, kaya araw-araw ay may luya sa palengke.
Kaya lang sa batas ng ekonomiya, may tinatawag na supply and demand na nagdidikta ng presyo ng paninda na nagsasabing, “Kapag marami ang naghahanap, ang presyo ay tumataas,” at sa ganitong paraan kumikita ng malaki ang mga negosyante.
Sa ngayon, mabili ang luya dahil sa COVID-19 dahil ang luya ay isa sa binabanggit ng isang senador na regular niyang kinakain habang siya ay ginagamot sa COVID-19. Sabi pa niya, kahit magaling na siya sa COVID-19, siya ay kumakain pa rin ng luya.
Siya ay senador at hindi doktor at siya ay si Senator Migz Zubiri. Ayon sa agham ng medisina, taglay ng ginger ang gingerol.
Ang gingerol ay may powerful anti-inflammatory at antioxidant effects. Kaya ang sinasabi ng mga doktor na ang mga pasyenteng may COVID-19 ay nakararanas ng inflammation of the lungs at iba pang parte ng respiratory system.
Ito rin ang dahilan kung bakit sumikat ang luya sa mga takot sa COVID-19 at sa mismong mga doktor na umaalalay sa COVID-19 patients.
Narito ang ilang medicinal benefits ng ginger o luya:
1. Nagpapababa ng blood sugar at nag-i-improve ng heart disease risk factors
2. Nakababawas sa muscle pain at soreness
3. Panggamot sa nausea, partikular ang morning sickness
4. May anti-inflammatory effects na nakatutulong sa osteoarthritis
5. Nakatutulong sa chronic indigestion
6. Nakababawas sa menstrual pain
7. Nagpapababa ng cholesterol levels
8. May substance na nakapipigil ng cancer
9. Nagpapaganda ng brain function laban sa Alzheimer’s disease
Good luck!