ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 9, 2020
Ang insulin plant.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa mahigit 100 milyon ang populasyon ng mga Pilipino, habang ang mga may diabetes ay umaabot na sa mahigit 5 milyon.
Gayundin, diabetes ang mas kinatatakutang sakit ng mga Pinoy at dahil dito, ang tinatawag na insulin plant ay naging in-demand.
Marami ang kumita nang malaki sa pagbebenta ng insulin plant. May mga pumuwesto lang sa bangketa at inilagay ang mga ibinebentang insulin plant kung saan ang nagtinda mismo ay hindi makapaniwalang naubos agad ang kanyang paninda.
Ang iba naman ay yumaman din sa pagbebenta ng insulin plant online. Sa ngayon, ito ang numero-unong halamang gamot na mabenta o ‘ika nga, selling like a hotcake.
Ang totoo, hindi naman talaga insulin plant ang pangalan nito kundi spiral plant dahil ito ay lumalaki na pa-spiral, kaya ito ay tinawag na spiral plant.
Pero nang magsimulang dumami ang may diabetes, ang spiral plant ay naging insulin plant dahil marami ang nagpatotoo na ang halamang ito ay nakagagamot sa diabetes.
Ang insulin ay isang hormone na may kakayahang ibaba ang level ng glucose na isang klase ng asukal o sugar na nasa dugo. Ito mismo ang nagagawa ng insulin plant kung saan kaya nitong ibaba ang level ng asukal sa dugo hanggang sa maging normal na lang.
Sa ganito sumikat nang husto ang insulin plant na mabisang herbal medicine laban sa diabetes. Gayunman, narito ang iba pang kakayahan ng insulin plant:
Ito ay mabisang gamot para sa mga may altapresyon o high blood pressure at sa mga sakit sa kidney.
Kaya ring lunasan ng insulin plant ang sakit na may kinalaman sa digestion dahil ito rin ay isang natural prebiotic na nagpaparami ng good bacteria sa tiyan.
Kaya rin ng insulin plant na talunin ang mga free radical na nakapasok sa katawan at mabigyan ng proteksiyon ang ating katawan.
Napakaganda rin ng insulin plant para sa sodium at water retention sa katawan.
Mayroon itong diuretic properties.
Kayang-kaya tunawin ng insulin plant ang fat deposits at toxins sa atay.
Ito rin ay pinaniniwalaang anti-cancer.
Kaya rin ng insulin plant na pababain ang bilang bad cholesterol sa dugo.
Sa ngayon, patuloy ang pag-aaral sa insulin plant at ang nakagugulat ay patuloy din ang pagdami ng mga natutuklasang sakit o karamdamang kaya nitong lunasan.
Magandang may insulin plant sa bakuran kaya humanap ka nito at iyong alagaan dahil aalagaan ka rin nito laban sa mga panganib sa kalusugan.
Good luck!