ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 1, 2021
Naitala ang unang kaso ng H10N3 strain ng bird flu sa tao sa China, ayon sa National Health Commission (NHC) ngayong Martes.
Kinumpirma ng NHC na ang naturang kaso ay mula sa eastern province ng Jiangsu, kung saan isang 41-anyos na lalaking residente ng Zhenjiang ang isinugod sa ospital noong April 28 matapos makitaan ng ilang sintomas katulad ng lagnat.
Noong May 28, matapos ang genome sequence sa blood sample ng lalaki na isinagawa ng Chinese Centre for Disease Control and Prevention, nakumpirmang positibo ito sa H10N3 avian influenza virus.
Hindi naman binanggit ng NHC kung paano na-infect ng naturang virus ang pasyente.
Samantala, inoobserbahan na rin ang mga nagkaroon ng close contact sa naturang pasyente.