ni VA @Sports News | Nov. 7, 2024
Photo: Si Khylem Progella ng Philippines laban sa Australia sa Asian Beach Volleyball Championship-Philippines vs. Australia.
Humakot si Karl Eldrew Yulo at ang Philippine pre-junior at junior gymnastics teams ng maraming medalya sa idinaraos na 3rd JRC Artistic Gymnastics Championships sa Bangkok, Thailand.
Pinangunahan ng nakababatang kapatid ni two-time Olympic champion Carlos na si Karl Eldrew ang kampanya ng national team nang sumungkit ng gold medal sa Men's Artistic Gymnastics Junior Individual All-Around Event.
Sa nakaraang taon na edisyon ng torneo, nakapag-uwi si Yulo ng 6 na medalya nang manguna sa parallel bars, vault, floor exercise at silver sa still rings apparatus. Nakapagbulsa siya ng dalawang medalya mula sa all-around at pommel horse events, silver at bronze ayon sa pagkakasunod.
Ngayong taon, umangat si Yulo sa dalawang medalya, matapos ding manguna sa Philippine junior men's team sa silver medal ng team all-around event. Samantala, nanguna si Jacob Alvarez sa pre-junior division nang kumulekta siya ng 5 gold medals mula sa unang dalawang silvers.
Nanguna si Alvarez sa individual all-around, vault, floor exercise, horizontal bars at events still rings. Nakasungkit siya ng 2 silvers matapos na sumegunda sa pommel horse at parallel bars. Sa mga kababaihan, nalagay sa 4th place ang Philippine pre-junior team. Si Yulo at iba pang national team ay nanatiling sumasagupa pa para sa medalya habang isinusulat ito kahapon.