top of page
Search

ni Lolet Abania | July 18, 2021



Tatlong indibidwal ang binaril sa labas ng isang baseball stadium na puno ng libu-libong manonood sa US capital nitong Sabado, kung saan bigla ring inihinto ang laro habang maraming mga fans ang agad nagsilabasan.


Unang nai-tweet ng pulisya na 4 katao ang nabaril, subalit sa report ni Washington police second in command Ashan Benedict, tatlo ang sugatan sa insidente.


Ayon kay Benedict, dalawa sa nabaril ay nasa isa sa dalawang sasakyan na sangkot sa shootout, habang ang ikatlong biktima ay isang babae na nasa sidewalk sa labas ng stadium na mag-a-attend sa game.


“At no time during this incident were individuals inside the stadium attending the game in any type of danger. This was not an active shooter incident. Everything took place outside the stadium,” ani Benedict sa mga reporters.


“The woman was expected to be OK,” sabi pa ni Benedict. Ayon naman sa Agence France-Presse (AFP) journalists na nagko-cover ng game, ilan sa mga manonood ang nagsitakbuhan sa mga exits matapos silang makarinig ng marami at sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas ng stadium habang ang iba ay nanatili sa kanilang upuan makaraang sabihan ng announcer.


Lumabas din sa social media mula sa footage ang mga pagputok ng baril sa stadium habang isa pang video na makikita na maraming tao ang nagtakbuhan palayo sa lugar.


Matagal nang problema ng United States ang nagaganap na gun violence sa kanilang lugar, kung saan madalas na naitatalang may mga namatay dahil sa shootings kabilang din dito ang high-profile mass killings na ang tinatarget ay mga eskuwelahan, pinagtatrabahuhan at shopping centers.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 24, 2021




Labingdalawa ang patay, habang mahigit 50 ang sugatan sa naganap na mass shooting sa United States nitong Linggo.


Ayon sa ulat, nangyari iyon matapos ipagbawal ni US President Joe Biden ang paggamit ng ‘assault weapons’ upang hindi na maulit ang magkakasunod na barilan sa FedEx facility sa Indianapolis, sa isang office building sa California, sa grocery store sa Boulder Colorado at maging sa birthday party at ilang spa sa Atlanta.


Sabi pa ni Biden, “(I) did not need to wait another minute, let alone an hour, to take common sense steps that will save lives in the future and to urge my colleagues in the House and Senate to act."


Aniya, "We can ban assault weapons and high capacity magazines in this country once again."


Sa kabuuan nama’y mahigit 200 mass shooting incident na ang iniulat, simula nu’ng naganap ang barilan sa magkakahiwalay na lugar sa America, batay sa tala ng Gun Violence Archive.


Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw ang nangyayaring barilan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page