top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 22, 2021



Tiniyak ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa publiko na hindi hahayaan ng PNP ang mga narco-politicians at ang mga kandidato na gagamit ng “guns, goons and gold” sa nalalapit na halalan.


“I am reiterating my warning against political aspirants with connections to criminal groups, you will be arrested. The PNP will stop you from using your guns and goons to try to steal the elections from our kababayan,” pahayag ni PGen Eleazar.


Ito ay matapos ang pagkakaaresto sa isang mayoral candidate sa bayan ng Northern Kabuntalan sa Maguindanao na si Tom Nandang alyas Datukon Nandang, 52-years old.

Narekober mula sa suspek ang P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu at isang Cal. 45 pistol.


Pinuri ni Eleazar ang pagkaaresto kay Nandang at sinigurong palalakasin pa ng PNP at PDEA ang kanilang kampanya laban sa mga narco-politicians.


Inatasan naman niya ang local police na magsagawa ng mas malawak na imbestigasyon upang matukoy kung sino ang mga kasabwat nito.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 20, 2021



Tiniyak ni PNP chief General Guillermo Eleazar na matatanggal sa serbisyo ang anim na pulis na umano’y sangkot sa extortion activities sa Maynila.


Ang anim na pulis ay inireklamo ng pangongotong sa kanilang dalawang naarestong curfew violators sa Luzon Street sa Maynila.


Humingi umano sila ng pera sa dalawang naarestong violators kapalit ng kanilang kalayaan, kaya naman isinanla ng dalawa ang kanilang motorsiklo at alahas at nakalikom ng P47,000 na siyang ibinigay sa mga pulis.


Nang makalaya ang mga violators ay agad nilang sinampahan ng reklamo ang mga pulis.


Ang mga nasabing pulis ay nahaharap sa kasong kriminal at administratibo at dinisarmahan na.



 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Dalawang pulis mula sa Rizal Province at Quezon City ang napipintong masibak sa serbisyo matapos na maaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na aktibidad, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkules.


Sa isang statement ng PNP, naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Police Staff Sergeant Ariel Yalung sa Quezon City hinggil sa ilegal na pagbebenta at overprizing ng Tocilizumab, isang gamot na ginagamit laban sa COVID-19.


Isinagawa ng NBI ang operasyon dahil sa mga reklamo na mayroong dalawang indibidwal na nagbebenta umano ng Tocilizumab online sa halagang P95,000, na mas mataas ang presyo kumpara sa suggested price na P25,000.


Naaresto naman ng Integrity Monitoring and Enforcement Group si Police Staff Sergeant June Angeles sa isang entrapment matapos na akusahan na nagde-demand ng pera mula sa asawa ng isa mga deatinee sa San Mateo, Rizal.


Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar nakakulong na ang mga suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal at administratibo.


“Tinitiyak ko na matatanggal sa serbisyo ang dalawa sa aming kasamahan dahil sa kalokohang kinasangkutan nila,” ani Eleazar.


Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na agad na ipaalam sa mga awtoridad anumang impormasyon hinggil sa mga pulis na nasasangkot sa kahina-hinala at ilegal na aktibidades.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page