top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 12, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 si dating Philippine National Police chief at ngayo'y senatorial aspirant Guillermo Eleazar, nitong Martes.


“Tonight, I received the RT-PCR result which showed that I am infected with the coronavirus for the first time,” ani Eleazar. “I am asymptomatic and will continuously observe the home isolation protocol of the Department of Health until I am cleared to go out.”


Nagpaalala naman sa publiko ang dating PNP chief na magpabakuna at magpa-booster upang makaiwas sa malalang epekto ng Covid.


Matatandaang noong Jan. 7 ay nagpositibo rin sa COVID-19 si presidential aspirant Panfilo Lacson.


Si Eleazar ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Partido Reporma bilang parte ng senatorial slate ni Lacson.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 13, 2021



Kinumpirma ni Presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson na tatakbo bilang senador sa ilalim ng Partido Reporma si Former PNP chief Guillermo Lorenzo Eleazar.


Hahalili si Eleazar kay Paolo Capino na hindi na umano tatakbo sa senatorial race.


“Yes, I confirm that he will run under Partido Reporma to substitute for Paolo Capino who has announced his intention to withdraw from the senatorial race yesterday,” ani Lacson.


Kahapon lamang ay bumaba sa puwesto si Eleazar bilang PNP Chief kung saan ang pumalit sa kanya ay si newly installed PNP Chief Dinardo Carlos.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021



Kahapon ay ginanap ang huling flag raising ceremony na dinaluhan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar bago ito magretiro bilang hepe ng Philippine National Police.


Si Eleazar ay magreretiro na sa serbisyo sa darating na Sabado, November 13, 2021 sa pagsapit ng kaniyang 56th birthday na siyang mandatory age of retirement.


Sa talumpati ni PNP chief, isa-isa nitong pinasalamatan ang mga nagbigay-suporta sa kanyang administrasyon.


Nagpasalamat din siya sa buong police force sa mga ipinatupad nitong polisiya lalo na ang internal cleansing campaign.


Ipinagmalaki naman ng PNP chief na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagawa nilang mapataas ang trust rating ng PNP.


Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi rin niya ang kanyang Final Monday Flag Ceremony as CPNP - Nov 8, 2021 na may caption na: “Inilunsad natin ang Internal Disciplinary Mechanism Information System (IDMIS). Nagkaroon din ng awarding ng scholarship para sa ilang PNP personnel sa ilalim ng PNP-BOC-ASoG Emerging Leaders fellowship Grant. Nagpapasalamat ulit tayo para sa League Magazine front cover. Nagkaroon din ng signing ng Deed of Donation at ceremonial turnover ng mga donasyon galing sa iba’t ibang stakeholders at blessing ng mga bagong patrol cars ng PNP. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa amin sa PNP.”


Ayon pa kay Eleazar, sa kanyang maikling panunungkulan, ang magandang maiiwan nito sa organisasyon ay ang pagtataas ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kapulisan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page