ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 15, 2021
Ipinag-utos ni Mayor Judith del Rosario-Cajes na isailalim sa granular enhanced community quarantine (ECQ) ang New Trinidad Municipal Hall sa Bohol simula kahapon, July 14 hanggang sa 21.
Ayon din sa Office of the Municipal Mayor, naobserbahang dumaranas ng “influenza-like illnesses” ang ilang empleyado ng local government unit (LGU) at noong July 13, napag-alamang positibo sa COVID-19 ang 3 empleyado.
Sa isang linggong granular ECQ, ayon sa LGU, magsasagawa ng “contact tracing, testing, containment of cases and total disinfection of the municipal building and its premises.”
Bawal ding pumasok ang mga empleyado ng New Trinidad Municipal Hall sa naturang duration ng granular ECQ kaya ipinatupad din ang work-from-home conditions.
Saad pa ng LGU, “While the granular ECQ is in effect, work-from-home covers to all officials and employees who are assigned/stationed inside the Municipal Hall (new).”