top of page
Search

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 18, 2020




Ang bulaklak ng kalabasa.


Maraming alagad ng sining, lalo na sa hanay ng panitikan o literature na ginamit ang kanilang mayamang imahinasyon tungkol sa mga bulaklak. Kumbaga, magagandang salita ang iniuugnay nila sa mga bulaklak.


Madalas, love life ang tema ng mga akdang sining. Madalas ding ipinakikita na ang bulaklak at babae ay parang iisa lang.


Halimbawa, ang mga salitang “A flower on the wall” ay tungkol sa magandang babae na ginawang dekorasyon sa dingding.


Maganda at romantiko ang agad na maiisip natin at may malalim ding kahulugan kapag sinuri dahil ang babaeng pandekorasyon lang ay masasabing “With beauty, but maybe without brain.”


Kumbaga, wala siyang karapatang magdesisyon dahil ang papel lang naman na kanyang ginagampanan sa kanyang pakikipagrelasyon ay for decorative purpose o pandispley lang.


Ito rin ang hidden meaning ng “A flower on the table,” isang magandang babae pero walang mahalagang responsabilidad sa kanyang love life kundi ang maging palamuti lang.


Pero sa mundo ng halamang gamot, may isang bulaklak na hindi lang ginagamit na pandekorasyon dahil ito ay may kakayahang lunasan ang ilang sakit o karamdaman, at ito ang bulaklak ng kalabasa.


Malabo ba ang iyong mga mata? Kumain ka ng bulaklak ng kalabasa dahil ayon mismo sa mga doktor, ito ay nagpapalinaw ng mga mata. Ito ay dahil ang bulaklak ng kalabasa ay mayaman sa Vitamin A.


Mahina ba ang iyong immune system? Madali ka bang dapuan ng mga karamdaman? Parang kulang ka ba sa lakas at parang walang sigla? Kumain ka ng bulaklak ng kalabasa. Sinasang-ayunan ng medical science na ang bulaklak ng kalabasa ay nagpapalakas ng immune system. Ito rin ay dahil sa Vitamin A na taglay ng bulaklak ng kalabasa.


Nahihilo ka ba? Madalas ka bang parang nalilito at hindi matatag ang pagkilos mo? Bulaklak ng kalabasa ang katapat ng pagkahilo mo dahil ito ay mayaman din sa mineral na iron.


Kumusta naman ang mga buto mo, may rayuma ka ba, sumasakit ba o namamaga ang mga kasukasuan mo? Bulaklak ng kalabasa ang sagot dito.


Maraming magagandang benepisyo ang makukuha sa pagkain ng bulaklak ng kalabasa at ayon sa mga huling pag-aaral, ito rin ay may malaking potensiyal bilang halamang gamot laban sa cancer.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 15, 2020




Sabi nila, “An apple a day keeps the doctor away,” ano kaya ang katotohanan sa kasabihang ito?

Sa lahat ng klase ng prutas, apple ang pinakamabili sa buong taon, kumbaga, ito best-selling fruit kung ang pag-uusapan ay ang sales for the whole year. Ito ay dahil bukod sa masarap ang apple, ito rin ay may medicinal benefits. Hindi man alam ng kumakain ng apple, may nakukuha silang pakinabang dito tulad ng pagsigla ang katawan at nawawala ang pananamlay.

Hindi rin namamalayan ng kumakain ng apple na habang kinakain niya ito, tumatalas ang kanyang isipan, as in, kasabay ng pagnguya ng apple, gumagana ang isipan sa positibong paraan, kaya hindi nakapagtataka na ang may matataas na katungkulan sa malalaking kumpanya o negosyo ay may apple sa kanilang opisina.

Samantala, hindi lang naman for the mind ang apple dahil totoo rin ang sinasabi na super-healthy ng apple sa katawan. Narito ang health benefits ng mansanas.

Ang isang medium-sized apple ay nagtataglay ng mga sumusunod:

  • Calories: 95

  • Carbs: 25 grams

  • Fiber: 4 grams

  • Vitamin C: 14% of the Reference Daily Intake (RDI)

  • Potassium: 6% of the RDI

  • Vitamin K: 5% of the RDI

  • 2 to 4% of the RDI for manganese, copper, and the Vitamins A, E, B1, B2 at B6.

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, narito pa ang ilang benepisyo ng apple:

  • Ang pagkain ng apple araw-araw ay nagpapababa ng timbang, kaya ito rin ay ang paborito ng mga nagda-diet.

  • Good for the heart din ang apple dahil mayroon itong fiber na tumutulong para bumaba ang cholesterol levels.

  • Ang polyphenols ng apple ay antioxidant na panlaban sa cancer-causing substance at ito rin ay may malaking tulong sa mga diabates.

  • Ang flavonoids sa apple ay nakapagpapababa ng blood pressure.

Muli, bukod sa masarap ang apple, ito rin ay napakaraming health benefits kaya why not eat apple every day?

Dagdag-kaalaman: Ang pinatuyong balat ng apple ay inilalagay sa malinis na bote dahil ito ay lunas sa pagtatae o sakit ng tiyan kapag hindi natunawan.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 11, 2020




Ang guyabano.


Nakagugulat ang guyabano dahil kinilala ito ng Department of Science and Technology (DOST) bilang isa sa mga herbal medicine na may powerful properties laban sa maraming sakit.


Mahabang panahon ang ginugol sa pag-aaral sa guyabano kung ito nga ba ay panlunas sa mga karamdaman at ang resulta ay nagsasabing totoo na ang guyabano ay mabisa at epektibong halamang gamot.


Sinabi pa ng mga dalubhasa na napatunayan na ang guyabano na isang tradisyunal na gamot sa diabetes at daig pa nito ang metformin bilang maintenance drug dahil kayang pababain ng guyabano ang blood sugar levels.


Dagdag pa rito, ang mga kaalaman na kanilang nakuha na ang guyabano, bukod sa mayaman sa carbohydrates, dietary fibers at Vitamins B1, B2 at C ay mayaman din sa flavonoids. Ang mga flavonoids ay ang mga phytochemicals na panlaban sa virus, carcinogens at allergens.


Nakita rin sa resulta na ang guyabano ay mabisang panlaban sa staphylococcus aureus, E. coli at iba pang bacteria strains at napakahusay din ng guyabano laban sa mga lasong nakapasok sa katawan.


Ang green unripe guyabano ay mayroong mas maraming flavonoids kaya sa hinog o yellowish ripe fruit.


Ang dahon naman ang guyabano ay natagpuang mayaman sa tannins, fats, unsaturated steroids at triterpenes.


Lumabas din sa pag-aaral sa guyabano na ang isang tasa nito ay naglalaman ng mababang calories pero may mataas na nutrients at vitamins.


Narito ang nutrients na taglay ng guyabano:

  • Calories: 66

  • Protein: 1 g

  • Carbs: 16.8 g

  • Fiber: 3.3 g

  • Vitamin C: 34% of the RDI

  • Potassium: 8% of the RDI

  • Magnesium: 5% of the RDI

  • Thiamine: 5% of the RDI

Subukan mong kumain ng guyabano, lalo na kung ikaw ay may diabetes at makikita mo na totoo pala na ang guyabano ay daig pa ang mga gamot laban sa diabetes.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page