ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 29, 2020
Inanunsiyo ni Bulacan Governor Daniel Fernando nitong Sabado na nagpositibo siya sa COVID-19.
Aniya, natanggap niya ang resulta ng kanyang reverse-transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test result nitong Biyernes.
Aniya, “Nagkaroon ako ng inisyatibo na magpa-test matapos na maging close contact ng
nasabing lokal na opisyal. ‘Wag nating kalimutan na maging ang mga world leaders at top government officials ay naging infected sa virus, dahil wala itong pinalalagpas at wala itong respeto sa mga indibidwal, maging sino man sila.
"Kaya naman nananawagan ako sa lahat na maging responsable at ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health standards at protocols upang makapagligtas tayo ng buhay.”