ni Angela Fernando - Trainee @News | October 18, 2023
Sinang-ayunan ni dating presidente at ngayon ay House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang naging desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na pansamantalang suspendihin ang Maharlika fund.
Wala raw mawawala kung susuportahan ang ating pangulo, ani Arroyo matapos tanungin ng isang reporter sa Kamara nitong Miyerkules, Oktubre 18.
Dumalo nga sa isang pagdinig ng Komite para sa Basic Education si Arroyo nang hingan ito ng kanyang pahayag bilang siya ay isang ekonomista, sa ginawang kilos ng Presidente kamakailan.
Tiwala umano ito sa magiging kilos ni Presidente Bongbong at alam nitong may dahilan ito sa kanyang naging desisyon.
"As a member of Congress, what I want to say is, to repeat, the President must have his reasons and we trust him... and I think we have nothing to lose if we support the President." Saad pa ni Arroyo.