ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 22, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 si Pakistani Prime Minister Imran Khan noong Sabado, dalawang araw matapos siyang mabakunahan laban sa Coronavirus.
Ayon kay Health Minister Faisal Sultan, si Khan ay mayroong mild cough at fever ngunit "in good health" naman at naka-self-isolate na.
Aniya pa ay posibleng dinapuan na ng COVID-19 ang 68-anyos na si Khan bago pa ito mabakunahan noong Huwebes. Hindi naman binanggit ng awtoridad kung ano ang natanggap ni Khan na bakuna.
Samantala, ayon sa ulat, 3,876 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pakistan noong Sabado at umabot na sa 620,000 ang kabuuang bilang nito.
Umabot na rin sa 13,799 ang bilang ng mga pumanaw matapos maitala ang karagdagang 42 deaths.