ni Gerard Peter - @Sports | December 31, 2020
Muli na namang hindi maidedepensa ni undefeated Russian boxer Arthur Asilbekovich Beterbiev ang kanyang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) light-heavyweight laban kay German Adam Deines matapos itong tamaan ng mapaminsalang novel coronavirus disease (Covid-19).
Nakatakda sanang itaya ng 35-anyos mula Montreal-based, Khasavyurt, Russia-native na si Beterbiev (15-0, 15KOs) ang kanyang unified 175-pound titles kay Deines (19-1-1, 10KOs) sa Enero 30 sa VTB Arena sa Moscow susunod na taon, ngunit biglang nagpositibo sa coronavirus ang dating amateur world champion.
Itinakda na ang unang pagtatapat para sa titulo sina Beterbiev at Deines noong Oktubre 23, 2020 sa Moscow, ngunit nagkaroon naman ng rib injury sa training camp ang una na naging dahilan upang ipagpaliban ang kanilang paghaharap at gawin na lamang sa Enero ng pumalyang itulak ito sa Disyembre.
“Unfortunately, I got coronavirus,” pag-anunsyo ni Beterbiev sa kanyang social media nitong nakalipas na Lunes. “Therefore, my fight with Adam Deines scheduled for January 30 is postponed for a later date.”
Kinumpirma mula sa press release ng promoter nitong Top Rank Promotions ni Bob Arum, pinaplano pa kung kailan maililipat ng salpukan ng dalawang boksinero.
Mahigit isang taon nang huling beses na sumalang sa ibabaw ng boxing ring ang dating 2008 Olympian at reigning light-heavyweight king ng ipagtanggol niya ang kanyang IBF title at makuha ang WBC belt kay dating undefeated Ukrainian boxer Oleksandr Gvozdyk via 10th round knockout noong Oktubre 18, 2019 sa Liacouras Center, sa Philadelphia, Pennsylvania. Sa laban ding iyon ay kinilala si Beterbiev bilang tunay na kampeon ng 175-pounds.
Subalit, ang mga planong paghaharap ng Russian at Chinese boxers ay naudlot matapos abutan ang mga ito ng Covid-19 pandemic, at muling nailipat sa Moscow sa Setyembre 25. Gayunpaman, hindi nagawang tanggapin ni Fanlong ang laban dahil sa travel restrictions na nagbigay daan kay Deines para maging bagong challenger. “I will try to recover as soon as possible and return to training,” wika ni Beterbiev. “I hope for your understanding and support.”