ni Gerard Peter - @Sports | January 4, 2020
Hindi natinag ng isang pagbagsak sa 2nd round ang American boxing sensation na si Ryan “Kingry” Garcia matapos tuluyang selyuhan ang laban sa dating 2012 Olympic champion na si Luke Campbell sa 7th round para sa bakanteng WBC interim lightweight title, kahapon sa American Airlines Arena sa Dallas, Texas, U.S.A.
Nalampasan marahil ng 22-anyos mula Victorville, California ang malaking pagsubok nang malasap ang kauna-unahang knockdown sa career sa 2nd round matapos tamaan ng kaliwang suntok, ngunit patuloy na tumayo at lumaban para matakasan ang gigil ni Campbell na tapusin siya.
Gayunpaman, dumating ang pagkakataon para kay Garcia na siya naman ang magpakawala ng malakas na suntok sa tagiliran ng 2012 London Olympics gold medalist sa ika-7th round para mapaluhod ito at mabigong malampasan ang 10 count ni referee Laurence Cole at itigil ito sa 1:58 ng naturang round.
“My performance definitely showed a lot of people who I really am,” wika ni Garcia matapos ang laban. “Going into this fight I wanted to show people that you are not what people call you. You are what you choose to be. I chose to be a champion tonight. I didn’t let anything stop me from being a champion tonight. Even when he dropped me, I knew that couldn’t stop me from being champion,” dagdag nito na mabibigyan ng tsansang makaharap si WBC lightweight champion Devin Haney (25-0, 15KOs) sa hinaharap.
“He’s very heavy handed. Even when I was blocking the shots, I could feel them. That was the hardest shot I was ever hit with. I tried and tried to get up, but I couldn’t. I felt him coming on, and I was moving back. And when I moved back, my body relaxed a little bit and that’s the exact time he hit me,” pahayag ni Campbell sa kauna-unahang knockdown sa apat na pagkatalo mula kina Yvan Mendy ng France (split decision), Jorge Linares ng Venezuela (split decision) at Vasyl Lomachenko ng Ukraine (unanimous decision).
Sa co-main event, nakamit ni Roger “The Kid” Gutierrez (25-3-1, 20 KOs) ng Maracaibo, Venezuela ang 12-round unanimous decision victory laban kay Rene “El Gemelo” Alvarado Managua, Nicaragua. Naipagtanggol ni Felix “El Gemelo” Alvarado (36-2, 31 KOs) ng Nicaragua ang IBF Junior Flyweight World Championship sa bisa ng technical knockout victory laban sa ex-105-pound champion na si DeeJay Kriel (16-2-1, 8 KOs) ng S.Africa. Habang nagwagi rin si welterweight prospect Raul “Cougar” Curiel (9-0, 7 KOs) via second-round TKO kay Ramses Agaton (22-13-3, 12 KOs) ng Mexico; Sean Garcia (6-0, 2 KOs) sa isang unanimous decision win kay Rene Marquez (5-6, 2 KOs) sa lightweight bout; Franchon Crews-Dezurn (7-1, 2 KOs) na tinalo sa 8th-round UD si Ashleigh Curry (8-14-4, 1 KO) sa cruiserweight bout; wagi rin si Alex Rincon (8-0, 6 KOs) sa six-round unanimous decision kay Sergio Gonzalez (6-8-1, 2 KOs); KO win para kay Tristan Kalkreuth (7-0, 5 KOs) kay Jorge Martinez (4-6, 1 KO); at Hawaiian prospect Asa Stevens (1-0) sa pro debut sa 4-round UD victory kay Francisco Bonilla (6-8-3, 3 KOs) ng Mexico sa super bantamweight bout.