ni Gerard Peter - @Sports | February 19, 2021
Hindi na mahihirapan pang matupad ang pangarap ng mga lokal at homegrown basketball players mula sa Visayas at Mindanao sa pagpasok ng bagong professional league sa bansa – ang VisMin Super Cup. Nagsimulang pinlano ang amateur league sa Visayas at Mindanao noong isang taon, ngunit dahil sa matinding pinsala ng Covid-19 ay naisalin sa pagiging ligang propesyunal dahil sa tulong ng Games and Amusement Board (GAB).
“It was supposed to be an amateur league, pero dahil sa inabot ng Covid-19, and many players, referees and officials ang walang hanapbuhay, we make a gamble to put it into pro. Worth it naman ang pagiging pro under GAB,” pahayag ni league COO Rocky Chan, kahapon ng umaga sa weekly TOPS: Usapang Sports webcast. “This league is made to discover new talents and generate jobs to all, most specially in the south, and at the same time promote sports tourism in the region. We’re not here to compete against other pro or basketball leagues. Ang daming players pero limited lang ang nakakalaro. This will also add to another platform na may mapaglaruan at may trabaho sa lahat,” dagdag ni Chan sa programang hatid ng Philippine Sports Commission (PSC), GAB at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR)
Ilalagay sa magkahiwalay na bubble format ang tig-anim na koponan sa Visayas at Mindanao, kung saan sisimulan ang mga laro sa Abril 9 sa “The Big Dome” ng municipality ng Alcantara, Cebu na lalahukan ng ARQ Builders Lapu-Lapu Heroes, MJAS Zenith-Talisay City Aquastars, Kiboy’s Computer Solutions-Manaue City Megabytes, XUR Homes Realty-Eastern Samar, Danao City at isa pang koponan.
Pagpipilian sa pagitan ng Zamboanga City na may team na Valientes at Zamboanga del Norte at ang dalawang teams na Roxas Vanguards at Sindangan kung sino ang magiging host ng Mindanao leg, na may koponan din mula Pagadian Explorers at dalawa pang teams.
Ayon kay league Ambassador at ex-PBA player at legend Don-Don Hontiveros na patuloy na susunod sa ginawang Joint Administrative Order (JAO) ng GAB, health department at PSC mula sa kautusan ng IATF-EID ang kanilang liga para panatilihing ligtas ang bubble type set up. “We’re still following and implementing the JAO order. Make sure that we are abiding the health and safety protocols of the IATF for the security of all the players, staff, and officials,” saad ni Hontiveros, at aniya ay magsasagawa ng RT-PCR testing at testing every two weeks sa players ng liga na inagapayan ng MDC official ball ng lga para sa monitoring.
Tatapusin muna ang Visayas Leg para sa double round robin elims at kukunin ang Top 2 teams, habang maglalaban ang apat na nalalabing teams at hawak ng 3 at 4 ang twice-to-beat advantage. Ang mananalo ay tatapat sa top 2 teams at ang magkakampeon ay ang makakakuha ng titulo sa Mindanao leg. Inaasahang sisimulan ang Mindanao leg sa 2nd week ng Mayo sa parehong format ng Visayas leg.
Mabibigyan ng playing time ang mga homegrown talents sa bawat koponan na inobligang maglaan ng 3 manlalaro mula mismo sa kanilang lungsod. “Yung tatlo from the regions, hindi puwedeng display lang, may playing time sila. ‘Di puwedeng walang homegrown sa loob ng court para maglaro. It’s their chance na mapapanood ng mga kababayan nila 'yung mga inidolo nila sa city nila,” wika ni league secretary-general coach Chelito Caro.
Nakahanda namanang munisipalidad ng Alcantara sa lahat ngkaligtasan ng liga pagdating sa kalusugan at peace and order sa 5th class municipality habang iisa lang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa kanilang ospital. “We are a very small municipality with only 17,000 constituent and around 26 police officers ready and active, also together with our barangay (9). We are proud to say we are zero crime rate and very peaceful,” sabi ni Alcantara Mayor Fritz Lastimoso, na handa umano sila sakaling may magka-COVID saliga at ilalagay agad sa isolation center. “Our gym was already under rehabilitation on constructing a dugout and under classification of GAB. As soon na mag-start na ang games, we will cordoned the gymnasium,” dagdag ng local official at hindi muna papayagang makapanood ang fans upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.