top of page
Search

ni Gerard Arce - @Sports | October 15, 2021



Maaaring maitakda ng league-leading TNT Tropang Giga at Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang paghaharap sa championship match sakaling manaig ang parehong koponan kontra sa San Miguel Beermen at Meralco Bolts sa make-or-break Game 6 ngayong araw sa best-of-seven semifinal series ng 2021 PBA Honda Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.


Puntirya pareho ng TNT at Hotshots ang pagbabalik sa 21st at 31st finals appearance sakaling tapusin ang mga laban ngayon kontra Beermen ng 3 p.m. at Bolts sa 6 p.m., ayon sa pagkakasunod.


Nilagok ng husto ng TNT ang 5-time Philippine Cup titlist sa nakalipas na laro matapos rumehistro ang anim na manlalaro ng double-digits at ang pagbabalik ng starting big man na si Kelly Williams, habang nagpatuloy sa impresibong laro hang naka-mask si Poy Erram matapos makaranas ng injury sa mukha.


Nakipagsabayan ng lakas sa depensa ang TNT kay 6-time MVP June Mar Fajardo sa pagbabalik ni Williams at paglalaro ni Erram, bagamat ang 6-foot-10 Cebuano stalwart ay kumolekta ng 23 pts at 12 rebs, nanatiling pambangga si Williams para tulungan sina Erram, Dave Marcelo at Troy Rosario para pigilan ang opensa ng Beermen.


We just have that extra body, that extra big guy to battle June Mar and Mo Tautuaa. They’ve been giving us huge problems through the series,” wika ni TNT coach Chot Reyes. “So having that extra big man was very big,” dagdag ni Reyes na nakakuha ng kontribusyon kina sniper Cebuano Roger Pogoy sa 18 pts at Asia’s best point guard Jayson Castro, 19 pts.


Tulad ng San Miguel, nasa parehong posisyon rin ang Meralco na muling nakakuha ng panalo at manatiling buhay pa ang tsansa sa semis ng iukit ang 102-98 panalo kasunod ng pagsisikap ng mga beteranong manlalaro, gayundin ay pagtulungan pang makahirit ng bagong araw mula kina Allein Maliksi, Nards Pinto, Chris Newsome at nagbabalik na si Raymond Almazan.


"We need to take that same attitude on Friday night on another do-or-die game. Finding a way to create our offense and make huge stops on defensive end. I think we didn’t need much adjustments but stay on the perimeter. If we stay close with Magnolia, then we will have a chance on taking a win against them,” paliwanag ni Meralco coach Norman Black na nagnanais na makabalik sa finals sa ika-5 beses at maghanap ng unang titulo sa Meralco, kasunod ng 11 titulo at grand slam championship sa San Miguel.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | July 26, 2021



Isang open jump shot ang kinana ni Arwind Santos upang tulungang iligtas ang koponang San Miguel Beermen kontra sa agresibong Northport Batang Pier, 88-86, kahapon sa elimination round ng 46th season ng PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.


Mula sa magandang pasa ni Marcio Lassiter ay natagpuan nitong nag-iisa ang 40-anyos na forward upang makamit ng Beermen ang ikalawang sunod na panalo. Sinubukan pang maagaw ng Batang Pier ang panalo mula sa fade away three-point shot ni Kevin Ferrer sa nalalabing 1.2 segundo, ngunit ito’y tumama lang sa board.


Itinanghal na best player si Santos na kumana ng 17 pts na natawagan pa ng crucial na technical foul sa agawan nila sa bola ni Sidney Onwubere sa nalalabing 7.3 segundo, kung saan lamang sa 86-85 ang Beermen, na naidala ni Robert Bolick sa tabla dahil sa technical free throw.


It’s an ugly finish for us but a win is a win. This is an ugly-beautiful win for us,” wika ni San Miguel coach Leo Austria, tungkol sa hindi magandang fourth quarter nila na tumikada lamang ng 9-points. “There is a resistance from the other team. It’s a lesson learn for us that having a huge lead is not secured dahil kahit sino pwedeng manalo. I think just keep them (Northport) some games they will be a contender,” dagdag ni Austria.


Sana dire-diretso na yung panalo namin. Salamat sa tiwala ng coaches, sana ma-maintain namin ito at kailangan na hindi maging over confident sa laro kase malalakas din ang kalaban,” pahayag ni Santos.


Naging dikit ang pagtatapos ng unang quarter sa 21-21 na iskor, ngunit dahil sa masigasig na magandang laro ni CJ Perez, na nagtapos ng 18 pts sa laro, naiangat nito ang kalamangan ng Beermen sa 52-45 sa pagtatapos ng kalahati ng laro.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | July 22, 2021



Nagbabaga ang mga kamay ng mga manlalaro ng Northport Batang Pier ng sunugin ang walang kargang Phoenix Super LPG, upang makuha rin ang unang panalo sa kasisimula pa lang na 46th season ng PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.


Tatlong manlalaro ang kumana ng 20 puntos sa laro mula kina Robert Bolick at veteran Kevin Ferrer na kumuha rin ng 9 rebs mula sa bench.


Bukod kina Bolick at Troy Rike na kabilang sa starters, rumehistro rin ng double digit scoring ang tatlo pang iba na sina Paolo Taha sa 12 pts, 2nd draft pick Jamie Malonzo na may 15 pts, at Sidney Onwubere sa 15 pts.


Bumitaw ng kabuuang 54% sa field goal ang Batang Pier na nakabawi sa unang talo nito kontra sa Meralco Bolts noong opening day.


Nanguna sa Super LPG si Vic Manuel na may 26 puntos, habang sinegundahan ni Matthew Wright sa 15 pts. Nag-ambag ng 12pts si Jason Perkins.


Hindi pa nakakabalik sa paglalaro ang inaabangan ng lahat na si Greg Slaughter para sa Batang Pier, gayundin si captain Sean Anthony, samantalang na-miss din ng Super LPG ang laro ni Fil-Italian Chris Banchero na nakakaranas ng calf injury. Si Banchero ang naging kapalit ni Calvin Abueva sa trade na naganap noong Pebrero.


Samantala, iniukit ng ALZA-Alayon Zamboanga del Sur ang g unang panalo sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao division matapos takasan ang host team na Pagadian City Explorers, 78-73, Miyerkules ng hapon sa Plaza Luz Gym, Pagadian City, Zamboanga del Sur.


Isang mainit na tres ang binitawan ng 42-anyos na pro-cager na si Dennis Daa sa nalalabing 16 segundo ng laro upang siguraduhin ng ALZA-Alayon ang kanilang unang panalo sa tatlong laro.


Tumikada ng kabuuang 17 puntos kasama ang 3-of-6 sa three-point arc kasama ang 7 rebounds, 2 assists at 3 blocks. Sumegunda naman sa kanya si Eliud Poligrates sa 15pts, 7 rebs at 1 assist.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page