ni GA @Sports | October 31, 2023
Muling idedepensa ng National University Pep Squad ang kanilang korona sa unang pagkakataon sa ilalim ng bagong coach sa paglatag muli ng mga pinakamahuhusay na stunts at dance moves kaantabay ang naglalakasag sigawan ng walong miyembro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Cheerdance Competition sa Disyembre 2 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Makikita ang panibagong diskarteng handog ni coach Gab Bajacan na maggagabay sa NU Pep Squad laban s apitong katunggali kasunod ng pagreretiro ni Chicka Bernabe matapos ang ika-pitong cheerdance title.
“I believe we're in for another exciting and eagerly anticipated competition. I know our coaches are highly creative and innovative when it comes to their performances. Let's see how our coaches will work their magic and captivate their respective communities,” pahayag ni UAAP Special Events Committee head Gigi Kamus.
Masusing inalam at sinuri ang pagkakasunod ng mga magtatanghal sa isinagawang drawing of lots sa UST Quadricentennial Pavilion sa itinakdang coaches’ meeting nitong Huwebes.
Nakatakdang simulan ng University of the East Pep Squad ang programa bilang pambungad na magtatanghal na susundan ng defending champions NU. Iktalong maghahandog ng kanilang eksibisyon at pagpapakitang gilas ang Ateneo de Manila University Blue Eagles kasunod ang Adamson University Pep Squad para sa unang apat na magtatanghal.
Nakalinya namang ikalima ang many-time champions na University of the Philippines Pep Squad ay ang De La Salle University Animo Squad para sa ika-anim na sasabak sa kumpetisyon.
Kukumpletuhin ng runners-up nung isang taon na Far Eastern University Cheering Squad at third-placed na University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe ang listahan ng lahat ng magpe-perform.