ni GA @Sports | November 10, 2023
Mga laro sa Sabado
(Philsports Arena)
2 n.h. – Cignal vs Petro Gazz
4 n.h. – Akari vs Choco Mucho
6 n.g. – PLDT vs Chery Tiggo
Naging madali ang nakuhang mga panalo ng parehong F2 Logistics Cargo Movers at PLDT High Speed Hitters nang kapwa walisin ang Quezon City Gerflor Defenders 25-10, 25-16, 25-14 at Galeries Tower High Risers sa 29-27, 25-14, 25-18 sa magkasunod na mga laro ng nakalinyang quadruple-header kahapon sa 6th Premier Volleyball League (PVL) second All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sinandalan ng Cargo Movers ang 30-anyos na middle blocker na si Aby Marano na tumapos ng 10 puntos mula sa anim na atake, dalawang blocks at dalawang aces upang makamit ang unang winning streak sa komperensya sa 4-2 kartada katabla ang Cignal HD Spikers.
“Yung pagka-slow sa start ng game at latter part, usually kase nagstart kami aarangkada kami tapos pagdating sa gitna magstop kami until na short kami sad ulo, kaming this game, talagang we see to it na dapat kapag naglaro tayo from the start hanggang dulo ipakita natin na strong talaga tayo,” pahayag ni Marano patungkol sa ipinakitang laro ng kanilang koponan kasunod ng natikmang dalawang pagkatalo.
Nagawang manguna sa iskoring ng isa pang La Salle alumna na si Victoria “Ara” Galang na tumapos ng double-double sa 11 puntos kasama ang 11 excellent digs at tatlong receptions, gayundin sina Ivy Keith Lacsina sa inambag na 10 puntos mula sa lahat ng atake at Jolina Dela Cruz sa siyam puntos at tatlong receptions na sunod na makakatapat ang Creamline Cool Smashers sa Martes.