ni G. Arce @Sports | February 18, 2024
Photo: Joaqui Flores / FB (UAAP Season 86)
Mga laro ngayong araw (Linggo) (SM Mall of Asia)
10 am – FEU vs UP (men’s)
12 nn – NU vs UST (men’s)
2 pm – FEU vs UP (women’s)
4 pm – NU vs UST (women’s)
Maagang nagpasikat at nagpasiklab ng kanyang kahusayan ang tinaguriang ‘super-rookie’ na si Casiey Dongallo upang pangunahan ang opensiba ng University of the East Lady Warriors matapos ilista ang unang tagumpay laban sa Ateneo de Manila Lady Blue Eagles sa bisa ng 4th set panalo 20-25, 25-17, 25- 23, 25-18, kahapon sa unang laro ng 86th UAAP women’s volleyball tournament na ginanap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Humambalos ang Cebuana winger ng kabuuang 27 puntos mula sa 26 atake at isang service ace, kasama ang 9 excellent digs kasunod ng mahusay na paggabay ng isa pang rookie playmaker na si Kizzie Madriaga na namahagi ng kabuuang 16 sets, kasama ang 4 na puntos para sa karagdagang opensiba mula kina middle blocker Riza Nogales sa 13pts mula habang si Kayce Balingit sa 12pts.
Isa sina Dongallo at Madriaga sa anim na rookie’s ng Recto-based squad na nagmula sa California Academy na sumungkit ng gold medal sa 2023 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League, habang doon din ibinulsa ni Donggallo ang MVP plum, habang nagawa rin magpasikat ng sinasabing “the next Alyssa Valdez” sa 2023 (PNVF) Champions League.
Sunod-sunod na nakabawi ang UE sa mga sumunod na set sa pagtutulungan nina Dongallo Nogales, Balingit at Madriaga upang maitala ang 25-17 sa 2nd set, kasunod ng mas maraming atake sa 12, blocks sa tatlo, service aces sa dalawa at maraming errors ng Ateneo sa walo, habang naitakas nito ang third set kasunod ng 10 errors na naitala ng Ateneo