ni Gerard Arce @Sports | February 29, 2024
Mga laro sa Sabado (SM Mall of Asia Arena)
10:00 am – NU vs UP (men’s)
12:00 pm – La Salle vs Ateneo (men’s)
2:00 pm – NU vs UP (women’s)
4:00 pm – La Salle vs Ateneo (women’s)
Naging mahusay ang pagmamando sa opensa ni ace playmaker Camila Lamina upang maging epektibo ang atake ng National University Lady Bulldogs kontra sa Adamson University Lady Falcons na nagtapos sa straight set 25-17, 25-20, 25-20 sa unang laro kahapon sa pagpapatuloy ng first round ng eliminasyon ng 86th UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Pumoste ang multi-best setter ng kabuuang 17 excellent sets at 2 puntos upang pamahagian ng mabuti sina opposite hitter Alyssa Solomon na humirit ng game-high 17pts mula sa 14 atake, 2 blocks at isang ace, na sinegundahan ni first Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen ng 15 puntos galing lahat sa atake kasama ang tig-5 excellent digs at receptions, gayundin si Alinsug sa 12 markers galing sa 10 kills at 2 blocks kabilang ang 6 na digs. “Yung patience namin sa isa’t isa 'yun 'yung napansin ko kanina na kahit anong mangyari, may ibang sasalo para sayo na will cheer you up,” wika ni Solomon.
Napaganda ang puwesto ng Lady Bulldogs sa magkasunod na panalo upang makuha ang 2-1 kartada katabla ang reigning at defending champions na DLSU Lady Spikers at FEU Lady Tamaraws sa likod ng unbeaten na UST Golden Tigresses sa 3-0., habang bumagsak ang Adamson sa 1-2 rekord kasama ang UE Lady Warriors. “Nakakabawi-bawi na kahit papaano now that we won in 3 sets, first time dito sa first round. Hopefully magtuloy-tuloy pa 'yung magandang kondisyon ng katawan ng mga players namin pati yung mindset,” pahayag ni Lady Bulldogs head coach Norman Miguel.