ni Gerard Arce @Sports | March 2, 2024
Mga laro ngayong Sabado (MOA)
12 pm – La Salle vs Ateneo (men’s)
2 pm – NU vs UP (women’s)
4 pm – La Salle vs Ateneo (women’s)
Paniguradong paglalabasan ng ngitngit ng reigning at defending champions na De La Salle University Lady Spikers sa pangunguna ni Rookie/MVP Angel Anne Canino ang Ateneo Lady Blue Eagles sa pagtangkang makabawi sa pagkatalo sa nagdaang laro, habang ipagpapatuloy ng NU Lady Bulldogs ang 2-game winning streak laban sa bokya sa panalo na UP Lady Maroons sa pagpapatuloy ng aksyon sa 86th season UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.
Bubuhaying muli ang dating mahigpit na tunggalian sa pagitan Lady Spikers at Blue Eagles sa sagupaang may matinding misyon ang outside spiker na si Canino na matapos ang masaklap na pagkabigo sa nangunguna at unbeaten na UST Golden Tigresses noong nakaraang Linggo na nagtapos sa pambihirang 6-0 run tungo sa 18-25, 23-25, 25-14, 25-16, 12-15 fifth set, kaya’t nakatuon ang pansin sa Lady Eagles na nakuha ang unang panalo sa Lady Maroons sa 5th set, 22-25, 20-25, 25-22, 25-17, 15-9 nitong nagdaang Miyerkules.
Nagtapos ang nine-game winning streak ng Lady Spikers sapol noong nagdaang season, kung saan UST din ang pumutol sa kanilang nine-game winning run sa elimination round upang maiwasan ang step-ladder semifinals at diretsong ticket sa Finals. Paniguradong pilit na muling ibabawi ng 5-foot-11 spiker ang ngitngit na makabawi kasunod ng inilistang 28 puntos mula sa 24 atake. Masasandalan din sa grupo ni multi-titlist coach Ramil De Jesus sina Baby Jyne Soreno, Amie Provido, Alleiah Malaluan, setter Julyana Tolentino, team captain Julia Coronel, libero Lyka De Leon, spiker Shevana Laput at two-time middle blocker Thea Gagate.