ni Gerard Arce @Sports | April 5, 2024
Mga laro sa Martes (Abril 9)
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. – Adamson vs FEU
4 p.m. – La Salle vs UE
Tinudla ng De La Salle University Lady Spikers ang pagpapatibay sa pwesto sa Final Four kahit na wala ang pangunahing pambato nito na si Rookie/MVP na si Angel Anne Canino matapos ang matakasan ang mahirap na pagsubok na hatid ng University of the Philippines Lady Maroons sa pamamagitan ng fourth set 26-24, 25-20, 24-26, 27-25 kahapon sa unang laro ng 86th season ng UAAP women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtulong-tulong ang mga manlalaro ng Lady Spikers upang punan ang kawalan ng 20-anyos na outside hitter na dumating sa MOA Arena na nakasuot ng sling na natatakpan ng jacket, kung saan maaaninag ang naka-cask na kanang kamay, para makuha ang kanilang ika-walong panalo laban sa isang talo para sa solong ikalawang pwesto at mapatibay ang Final Four spot.
“Nagkaroon ng accident sa arms nya, so, day by day inaalam pa,” wika ni assistant coach Noel Orcullo sa sa post-press conference kahapon.
Nagawang pagbidahan ni opposite spiker Shevana Laput ang Lady Spikers ng kumana ito ng kabuuang 21 puntos mula sa 18 atake, dalawang blocks at isang ace kasama ang tatlong excellent digs, habang sumuporta ang mga beteranong sina Alleiah Malaluan na halos bumuhos ng triple-double sa 17pts mula sa 16 atake at isang ace, 11 excellent receptions at siyam na excellent digs, gayundin si Maicah Larroza sa triple-double sa 12pts mula sa 11 kills.