top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 21, 2025



Photo: Matibay na bumanat ng pag-atake si Michelle Gumabao-Panlilio ng PHL Creamline Cool Smashers sa harap ng depensa ni Paula Pully ng NVC-Al Naser Club Jordan sa kanilang maaksyong tagpo sa unang araw ng AVC Women's Volleyball Champions League sa PhilSports Arena kahapon. (Reymundo Nillama)


Mga laro ngayong Lunes

(Philsports Arena)

10 a.m. – VTV Binh Dien Long An vs Baic Motor (Pool C)

1 p.m. – Nakhon Ratchasima vs Queensland (Pool D)

4 p.m. – Petro Gazz vs Taipower (Pool B)

7 p.m. – Zhetysu vs Creamline (Pool A)


Madaling dinispatsa ng Creamline Cool Smashers at ng PLDT High Speed Hitters sa pangunguna ng import na si Erica Staunton ang Al Naser ng Jordan sa 29-27, 25-20, 25-19 straight sets at ni Kianny Dy sa straight sets din kontra  Australian squad Queensland Pirates, 25-19, 25-12, 25-12 sa 2025 AVC Women’s Champions League kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.


Dahil dito nakausad papalapit sa quarterfinal berth sa Pool A ang CCS mula sa impresibong laro ni Staunton. Nakatulong din ng 25-anyos na American hitters sina Kazakh middle blocker Anastassiya Kolomoyets at Russian outside hitter Anastasya Kudryashova sa pagragasa ng puntos para sa CCS sa opening set upang makuha ang tamang laro tungo sa 1-0 kartada sa Pool A.


Nasubukan ang tindig ng CCS sa third set mula sa pagtapyas ng Al Naser sa 16-14 na bentahe kasunod ng error ni Kolomeyts. Subalit nakabawi naman ang CCS sa magkasunod na errors ng Jordan team na sinundan ng banat ni Staunton upang muling makalayo sa 19-14 na bentahe.


Hindi na pinabayaan ng CCS na mawala pa sa kamay ang kalamangan mula sa atake ni Staunton, at butata ni Lorie Bernardo. Kinakailangang walisin ng CCS ang Pool A na sunod na makakaharap ang 9-time WVL champion na Zhestyu VC ng Kazakhstan. Samantala, papanatilihin ng Al Naser ang na makaharap ang Kazakhstan sa Martes. 


Lalabanan ng PLDT ang Thailand powerhouse Nakhon Ratchasima sa Martes, April 22.


Samantala, nagwagi rin ang Kaoshiung Taipower laban sa Hong Kong’s Hip Hing sa 25-10, 25-16, 25-14.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | Feb. 22, 2025



Bugbog kay Joshua Pacio si Jarred Brooks sa ikatlong paghaharap nilang ito sa ONE C'ships 171 Qatar. Image: ONE Championships / Joshua 'The Passion' Pacio at Jarred 'The Monkey God' Brooks sa ONE 171



Naging matagumpay ang ginawang paghahanda ni 6-time mixed martial artists champion Joshua “Passion” Pacio laban sa mahigpit na karibal na si dating interim titlists Jarred “The Monkey God” Brooks ng Estados Unidos upang tapusin sa bisa ng 2nd-round technical knockout ang main event ng ONE 171: Qatar tungo sa pagbulsa ng undisputed ONE Strawweight title kahapon sa Lusail Sports Arena sa Doha, Qatar.


Tinapos ng pambato ng Lions Nation MMA ang bangis ng kanyang mga upak sa ikalawang round para tuldukan ang laban sa 4:22 matapos ang magkakasunod na banat upang tuluyang ipatigil ni referee Muhammad Sulaiman.


Subalit bago rito ay makailang beses natakasan ng 29-anyos mula La Trinidad, Benguet ang mga ilang serye ng mahihigpit na chokes at submissions kabilang ang D’Arce at guillotine choke.


I’m speechless, I’ve been through a lot this year, people doubted me, but I tell you never doubt the living God I served. I want to tell you how God has blessed me. I’ve been in the right people, the right team, Lions Nation MMA, to all the prayer warriors back home, thank you very much, my family my church. Qatar you are wonderful. The Filipino kababayans here, thank you very much. Bring me back here again!” bulalas ni Pacio matapos ang laban na lubusang pinasalamatan ang mga kababayang nanood sa mismong arena. 


That’s why I call it home away from home. Filipinos are very competitive all over the world, Filipino are there,” dagdag ni Pacio na nakatanggap ng $50,000 na gantimpala galing kay ONE CEO Chatri Sityodtong sa Fight of the Night.


Sa lahat ng mga delikadong sitwasyon ay puwersadong inilaban ni Pacio ang lahat ng pagkakataon upang mabaliktad ang laban mula pa lamang sa opening round, kung saan nagbigay ng maliwanag na tsansa sa mga Pinoy na tapusin si Brooks.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | Dec. 1, 2024



Pampanga vs Quezon - MPBL promo photo


Mga laro ngayong gabi (Disyembre 1) (Al Nasr Club’s Rashid Bin Hamdan Indoor Hall, Dubai UAE) Game 1: Best-of-five National Finals

11:00 n.g. – Pampanga vs Quezon Oras sa Pilipinas


Muling magniningning ang kahusayan ni reigning MVP Justine Baltazar para pamunuan ang atake para sa defending champions na Pampanga Giant Lanterns laban sa karibal sa South Division na Quezon Huskers upang makuha ang inaasam na kauna-unahang back-to-back title sa Game 1 ng best-of-five championship series ng 6th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa prestihiyosong Al Nasr Club’s Rashid Bin Hamdan Indoor Hall sa Dubai, United Arab Emirates.


Gagamitin ni Baltazar ang nakuhang double-double para ibalik muli sa championship round ang Pampanga matapos higitan ang No.1 ranked na San Juan Knights sa 81-73 noong Nobyembre 11 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga, habang nakatakdang sandalan ng Quezon si ace guard LJay Gonzales na nagawang mahigitan ang Batangas City Tanduay Rum Masters sa 65-60 noong Nob. 14.


Sa naturang mga laro ay maghaharap sa unang pagkakataon ang Pampanga at Quezon sa National Finals ng 11:00 ng gabi (oras sa Pilipinas) bilang handog sa mga basketball fans na Overseas Filipino Workers (OFWs).


Ang kaganapang ito ay inaasahang magiging isang makabuluhang milestone na magpapatibay sa pangako ng liga na ipagdiwang ang talento at pagkahilig ng mga Filipino para sa sport sa ibang bansa.


Nagpakita ng lakas ang 27-anyos na forward na si Baltazar na hinirang na first overall draft pick ng 2024 PBA Draft para sa koponan ng Converge FiberXrs, para muling dalhin sa championship round ang Pampanga.


Umiskor ito sa huling laro ng 24 puntos, 18 rebounds, 4 assists, habang sumegunda si Archie Concepcion sa 19 puntos, gayundin sina Encho Serrano sa 11 puntos at Brandon Ramirez sa 7 puntos.


“Nakapag-prepare kami sa Quezon na champion sa South kung anong game plan na ipapakita namin, number one pa rin yung depensa, pinag-eensayuhan namin buong week, depensa talaga 'yung pagtutuunan namin,” wika ni Baltazar patungkol sa naging paghahanda nila kontra Quezon.


Bumida para sa Huskers ang 5-foot-10 guard mula FEU Tamaraws na si Gonzales sa 22 puntos at 8 rebounds kontra Batangas City, na makakatulong ng mahigpit sina Judel Ric Fuentes, Jason Opiso, Ximone Sandagon, RJ Minerva, Rodel Gravera, Al Francis Tamsi at Gab Banal.


 

MARTIN KUKUNIN ANG 2ND WIN NGAYON LABAN SA MEXICAN BOXER


Planong mas lumapit pa sa World rankings at sa inaasam na title fight ni Filipino rising star at undefeated boxer Carl Jammes “Wonder Boy” Martin sa kanyang pagbabalik laban sa ikalawang salang sa bansang Mexico kontra hometown bet Ruben Tostado Garcia sa isang non-title super bantamweight bout sa “Noche De Box 46” ngayong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Grand Hotel, Tijuana, Mexico.


Kasalukuyang nakasampa bilang No.2 sa World rankings sa 122-pound division ng World Boxing Organization (WBO) Global titlist ang kasalukuyang hawak na No.2 ranked sa WBO at No.7 sa International Boxing Federation (IBF) title belt na tangan lahat ni undisputed 122-pound champion at undefeated Naoya “Monster” Inoue.


Aasamin ni Martin na patibayin pa ang matatag na puwesto sa kanyang dibisyon upang makalapit sa pagkakataong makasuntok sa World title fight sa hinaharap. “We look forward to a junior featherweight title fight in 2025. He will be ready by that time because we expect him to show it in Mexico,” wika ni international matchmaker at MP Promotions President Sean Gibbons.


Nais sundan ng 25-anyos mula Lagawe, Ifugao ang nakuhang second-round knockout victory sa naunang Mehikanong biktima na si Anthony Jimenez “Boy” Salas nitong nagdaang Setyembre 6 sa Culiacan, Sinaloa, Mexico upang pahabain ang winning streak sa 24 panalo kasama ang 19 panalo mula sa knockouts.


Susubukang manatiling matatag ang kartada ng 5-foot-6 boxer na kasalukuyang pukpok sa ensayo sa Knucklehead Boxing Gym sa Las Vegas, Nevada, na bago lumipad patungong Amerika ngayong taon ay nagawa munang tapusin sa sixth-round si Chaiwat “Kongfah Nakornluang” Buatkrathok ng Thailand nung Disyembre 18, 2023 sa The Flash Grand Ballroom ng Elorde Sports Complex sa Paranaque City.


Naunang nakuha nito ang 10-round unanimous decision na panalo kay Oscar Duge sa parehong venue noong Agosto 19, matapos ang mahigit walong buwang pananahimik sa laban dahil sa inindang right rib injury.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page