ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 28, 2021
Pabor ang mga Metro Manila mayors na i-extend ang general community quarantine (GCQ) hanggang sa February, ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
“Ang consensus po ng nakakarami, ng lahat, ng buong council, ‘yung 16 na city mayors at isang municipal mayor na irekomenda po sa ating IATF [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] ay manatili po tayo sa GCQ sa darating na February.”
Mas magiging mahirap umano kung lalong dadami ang kaso ng COVID-19 lalo na’t mayroon nang bagong variant na nakapasok sa bansa.
Aniya, “Kung magluluwag po tayo, napakahirap po na magkaroon tayo ng spike lalung-lalo na parating na po ‘yung ating vaccine.”