ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 18, 2021
Muling nagpaulan ng air strikes ang Israel sa Gaza noong Huwebes hanggang Biyernes bilang tugon sa inilunsad na “incendiary balloons” ng Palestinian militants.
Pahayag ng Israel military, "Over the past day, arson balloons were launched from the Gaza Strip into Israeli territory.
"In response... fighter jets struck military compounds and a rocket launch site belonging to the Hamas terror organization."
Ito ang bagong palitan ng airstrikes ng dalawang panig matapos magkaroon ng ceasefire noong Mayo 21 sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ayon sa Israeli firefighters, 3 araw nang sunud-sunod na nagpapaulan ang Palestinian militants sa Gaza ng balloons na may device na maaaring maging sanhi ng sunog.
Kaagad namang ipinag-utos ni Israel Army Chief Aviv Kohavi ang pagpaparami ng IDF's (Israeli Defense Forces), gayundin ang “Readiness and preparedness for a variety of scenarios including a resumption of hostilities.”