Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 5, 2023
Nagtipon ang libu-libong tao sa kabi-kabilang protesta sa Berlin, London, at Paris para hilingin ang tigil-putukan at karahasang nangyayari sa Israel-Hamas nitong nagdaang Sabado, Nobyembre 4.
Batay sa estimasyon ng mga pulis umabot sa 17,000 ang nagprotesta sa Duesseldorf at 9,000 sa kabisera na Berlin, 30, 000 naman sa Trafalgar Square, London at 19,000 katao naman sa Paris na umabot ng 60, 000 matapos makiisa ng ilang grupo ng mga komunista, dagdag ng CGT.
Naganap ang ilang pag-aresto ngunit hindi nagpatinag ang mga tao sa kanilang panawagan na palayain na ang Palestine mula sa mga pag-atake.
Umaabot sa 9, 500 na ang namatay sa tuloy-tuloy na pambobomba, karamihan sa mga nasawi ay kababaihan, kabataan, at mga inosenteng sibilyan na naipit sa alitan sa pagitan ng Hamas at Israel.
May ilang protesta rin ang naganap sa US na may parehas na panawagan na matapos na ang karahasan.