ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023
Mariing itinanggi ng malalaking international media ang paratang na alam ng mga Gaza photographers ang nangyaring pag-atake ng Hamas nu'ng Oktubre 7.
Inilabas sa malalaking news outlets ang ginawa nilang pagtanggi sa mga alegasyon matapos magsimula ang kontrobersiya sa isang online post ng HonestReporting, isang organisasyong binibigyang pansin ang mga balitang hindi naka-ayon sa Israel.
Ayon sa HonestReporting, ang bilis ng mga Palestinian photojournalist sa nangyaring pag-atake ay kahina-hinala na siya namang pinaniwalaan ng pamahalaan ng Israel.
Sa isang post sa 'X' ng opisina ni Prime Minister Benjamin Netanyahu, sinabing kasabwat ang mga journalists ng Gaza sa nangyaring pag-atake.
Ayon sa post sa X ng dating Israeli ambassador na si Danny Danon, "Israel's internal security agency announced that they will eliminate all participants of the October 7 massacre. The 'photojournalists' who took part in recording the assault will be added to that list."
Agad namang itinanggi ng Western media ang artikulong naglalaman ng mga bintang ng HonestReporting at sinabing walang kinalaman ang Associated Press sa nangyaring pag-atake.