top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 16, 2023




Nanawagan ang United Nations Security Council ng agaran at mahaba-habang tigil-putukan sa nagaganap na pag-atake ng Israel sa Gaza para magkaroon ng sapat na panahong makapagpasok ng tulong sa bansa.


Napagtanto ng konsehong binubuo ng 15 na bansa ang mga hakbang na hindi nila napagtagumpayan nu'ng nagdaang buwan, at nakakita ng daan para sa isang resolusyong naglalaman ng panawagang agaran at walang kondisyong pagpapalaya sa lahat ng bihag ng Hamas.


Nag-abstain ang Britain, Russia, at US sa botohan at pabor naman ang 12 na bansa para sa resolusyong isinulat ng Malta nitong Miyerkules.


Nakatuon ang naganap na pagdinig sa panandaliang paghinto o tuluyang tigil-putukan sa gitna ng Israel at Gaza na kailangan ding dumaan sa kanila upang maaprubahan.


Napagdesisyunan naman ng konsehong agarin at mas pahabain ang hiling na paghinto sa pag-atake ng Israel upang masigurong ligtas at maayos na makapasok ang mga tulong.


Sa kasalukuyan, ito ang panlimang subok ng UNSC mula nang sumalakay ang Hamas nu'ng Oktubre 7.

 
 

PhotoFilFini Angela Fernando - Trainee @News | November 13, 2023




Nakalabas na ang grupo ng halos 13 Pinoy mula sa Gaza patungong Egypt ngayon.


Inaasahang ang mga Pinoy kasama ng kanilang mga Palestinong asawa at pamilya ay makakarating sa Cairo matapos tumawid sa Rafah Crossing.


Samantala, may halos 20 Pilipinong nasa Gaza ang hindi pa rin pumayag na tumawid sa border.


Pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary, nakipag-ugnayan na sila sa natitirang mga Pinoy sa Gaza at sinabing samantalahing bukas pa ang crossing.


Aniya, masama na ang lagay ng bansa kaya umaasa silang tugunan ang kanilang panawagang mandatory repatriation.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 13, 2023




Nagbigay ng pahayag nitong Linggo si UN Secretary-General Antonio Guterres ukol sa lumalalang pag-atake ng Israel sa Gaza at sinabing hindi rason ang naging pag-salakay ng Hamas para kolektibong parusahan ng kalabang bansa ang mga Palestino.


Saad ni Guterres, "You cannot use the horrific things that Hamas did as a reason for collective punishment of the Palestinian people."


Aniya, 101 na UN personnel ang namatay sa nangyayaring karahasan ng Israel bilang tugon sa naging pag-atake ng Hamas nu'ng Oktubre 7.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page