ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021
Dalawampung sibilyan ang patay sa mahigit 150 rockets na pinalipad ng Israel para pasabugin ang Hamas military na nasa Gaza City nitong Lunes, Mayo 10.
Ayon sa ulat, iyon ang tugon ng Israel sa mga rocket na unang pinaputok ng Hamas at iba pang militanteng Palestinian sa compound ng Al-Aqsa Mosque, Jerusalem kamakailan.
Paliwanag pa ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, "We will not tolerate attacks on our territory, our capital, our citizens and our soldiers. Those who attack us will pay a heavy price.”
Batay naman sa tala ng Gaza Health Ministry, kabilang sa mga namatay ang 9 na menor-de-edad, kung saan tinatayang 65 ang iniulat na sugatan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang tensiyon sa pagitan ng mga bansa.