top of page
Search

ni V. Reyes | May 14, 2023




Magtataas ng tinatayang mahigit piso kada litro ang presyo ng diesel at kerosene sa mga susunod na araw.


Ito ang pagtataya ng mga eksperto sa industriya ng langis kasunod na rin ng pagsipa ng halaga ng imported na petrolyo.


Nabatid na posibleng umabot ng P1.20 hanggang P1.50 kada litro ang itaas ng diesel habang ang kerosene ay nasa P1.10 hanggang P1.40 kada litro.


Samantala, maaaring madagdagan ng 20 sentimo hanggang 50 sentimo ang bawat litro ng gasolina.


 
 

ni BRT | April 10, 2023




Asahan ang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.


Batay sa pagtaya ng mga taga-industriya ng langis, nasa P2.50 hanggang P2.80 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasoline.


Posibleng P1.80 hanggang P2.10 naman ang price increase sa kerosene habang maglalaro sa P1.50 hanggang P1.80 sa diesel.


Kadalasang ipinatutupad ang oil price adjustment tuwing Martes.


 
 

ni BRT | March 18, 2023




Inaasahan ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pinakahuling oil trading sa nakalipas na apat na araw o mula Marso 13 hanggang 16, ayon sa oil industry source, posibleng bumaba ang presyo ng diesel sa P1.70 hanggang P1.90 kada litro.

Samantala, ang presyo ng gasoline ay bababa rin ng P1.00 hanggang P1.20 kada litro.

Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo tuwing Martes.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page