top of page
Search

ni Mai Ancheta | June 4, 2023




Inaasahang mababawasan ang penitensya ng mga motorista at mga pampublikong tsuper sa mataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa ipatutupad na rollback sa susunod na linggo.


Ito ay matapos ihayag ng Unioil Petroleum Philippines ang kanilang price rollback sa Martes.


Mababawasan ng 20 hanggang 30 sentimos sa presyo kada litro ng diesel habang 40-60 sentimos kada litro naman ang rollback sa presyo ng gasolina.


Matatandaang nagtaas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo nitong Mayo 30, ang mga kumpanya ng langis ng P1.10 per liter sa gasolina subalit ibinaba ng P0.60 per liter sa kerosene.


Wala namang naitalang pagbabago sa presyo ng diesel.


Batay sa monitoring ng Department of Energy, mayroong net increase na P6.10 kada litro sa gasolina, habang P6.75 naman kada litro sa kerosene.


 
 

ni Mai Ancheta | May 28, 2023




Inaasahan ang panibagong taas-presyo sa petrolyo sa katapusan ng buwan.


Piso ang inaasahang dagdag sa kada litro ng gasolina habang may bahagya ring pagtaas sa krudo at kerosene.


Batay sa pagtaya ng ilang eksperto mula sa oil industry, posibleng tataas ng piso hanggang P1.30 ang dagdag sa presyo kada litro ng gasolina.


Sa diesel naman ay aasahan ang bahagyang pagtaas ng sampung sentimo kada litro mula sa umiiral na presyo habang ang kerosene ay mula bente sentimos hanggang singkuwenta sentimos ang idadagdag sa presyo kada litro.


 
 

ni BRT | May 21, 2023




Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.


Tinatayang aabot sa P0.60 hanggang P0.90 ang itataas sa kada litro ng gasoline. Habang sa diesel naman ay P0.40 hanggang P0.70 ang price hike kada litro.


Samantala, maaaring walang paggalaw o may rollback na P0.20 sa kerosene kada litro.


Ayon sa mga eksperto, maiuugnay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa tumataas na demand.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page