top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | October 7, 2023




May naghihintay na magandang balita sa mga motorista sa susunod na linggo dahil sa inaasahang malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.


Ayon kay Department of Energy Assistant Director Rodela Romero, posibleng magkaroon ng tapyas presyo sa krudo, gasolina at kerosene batay sa apat na araw na takbo ng presyo ng oil products sa pandaigdigang merkado.


Ayon sa opisyal, posibleng umabot hanggang tatlong piso kada litro ang bawas-presyo sa gasolina; P1.45 - P1.85 per liter ang tapyas sa diesel; at P1.75 -P2.15 per liter naman ang rollback sa kerosene.


Gayunman, sinabi ng opisyal na posibleng magbago pa ang presyo dahil hindi pa tapos ang ikalimang araw na trading ng oil products sa world market.


Kalimitang ginagawa ng mga kumpanya ng langis ang anunsiyo kung mayroong dagdag-presyo o rollback sa kanilang oil products pagsapit ng alas-12 ng hatinggabi ng Lunes.


Matatandaang nitong Oktubre 3, nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.



 
 
  • BULGAR
  • Sep 23, 2023

ni Mai Ancheta @News | September 23, 2023




Posibleng magkaroon ng bawas-presyo na 50 hanggang 60 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene.


Ayon kay Department of Energy Oil Management Bureau Chief Rino Abad, nagkaroon ng adjustment sa presyo ng langis sa mga nakalipas na linggo sa kabila ng kawalan ng polisiya sa pagbabago ng presyo sa pandaigdigang presyo.


"Malakas ang tsansa sa diesel at kerosene pero sa gasoline, bantayan natin. Pwedeng walang adjustment sa gasolina o may kaunting rollback pero alanganin," ani Abad.


Matatandaang nagkaroon ng 11th straight oil increase sa diesel, gasoline at kerosene simula noong Hulyo.


Sa pagtaya ng International Energy Agency at Organization of the Petroleum Exporting Countries, magpapatuloy ang pagbabawas ng supply sa mga oil producer hanggang matapos ang taon kaya't aasahan pa rin ang mga oil hike sa mga darating na araw.



 
 

ni Gina Pleñago | July 23, 2023




Inaasahan na muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Linggo.


Para sa gasolina, tinatayang tataas mula P1.35 hanggang P1.65 ang kada litro.


Habang ang diesel naman ay inaasahang tataas mula P0.25 hanggang P.55 kada litro.


Sa kerosene naman, inaasahan na tataas mula P0.40 hanggang P0.60 kada litro.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page