top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 15, 2023




Inaasahan ng Department of Energy ang isa pang pagbaba sa presyo ng langis isang linggo bago ang Kapaskuhan, base sa unang 4 na araw ng kalakaran sa Mean of Platts Singapore.


Nagpahayag ang DOE Oil Industry Management Bureau Director 3 na si Rodela Romero,  ang saklaw ng pagbaba ng presyo sa gasolinahan ay ang sumusunod:


  • Gasoline - P0.25-P0.40/liter

  • Diesel - P0.10-P0.35/liter

  • Kerosene - P0.80-1 peso/liter


Ayon kay Romero, lumabas sa pagtataya ng Disyembre sa global demand, may sobrang 1-milyong bariles kada araw. 


Nagpapakita rin ang short term outlook ng posibilidad na sobrang pandaigdigang suplay hanggang quarter 4 sa 2024.


 
 
  • BULGAR
  • Oct 23, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 23, 2023




Inaasahan ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, bukas, o bago ang mahabang weekend.


Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na itataas ang presyo kada litro ng diesel sa P1.30, habang ang gasolina ay tataas sa P0.95.


Samantala, ang presyo ng kerosene ay tataas ng P1.25 kada litro.


Magpapatupad ang Cleanfuel ng parehong pagbabago maliban sa kerosene na hindi nito inaangkat.


Matatandaang noong nakaraang linggo, bumaba ng P0.95 kada litro ang presyo ng diesel at kerosene, samantalang tumaas ng P0.55 kada litro ang presyo ng gasolina.

 
 
  • BULGAR
  • Oct 9, 2023

ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023




Magandang balita ang sasalubong sa mga motorista dahil sa inaasahan na big-time rollback sa pump prices bukas, Oktubre 10.


Nag-anunsyo rin ang mga lokal na kumpanya ng langis ng pagbabawas ng hanggang P3.05 per liter.


Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng mga kumpanya na ibababa nila ang presyo ng gasolina sa P3.05 per liter habang ang diesel naman ay P2.45 per liter.


Bababa rin ang presyo ng kerosene ng P3 per liter. Ipapatupad naman ng Shell at Seaoil ang price adjustments pagsapit ng alas-6:00 ng umaga ng Martes.


Ito ay dahil sa pangamba ng mataas na interest rate na nagpababa ng global demand, ayon kay Rodela Romero, assistant director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page