ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 24, 2024
Photo: Gary V - IG
Natuloy ang 2nd night ng Pure Energy: One More Time concert ni Gary Valenciano sa Araneta Coliseum last December 22, 2024 matapos siyang isugod sa ospital nu’ng Biyernes (Dec. 20) dahil sa pagsusuka at dehydration.
Matatandaang sa kalagitnaan ng unang show nu’ng Biyernes ay nagpaalam si Gary sa mga manonood na ika-cut short ang concert dahil masama na ang kanyang pakiramdam.
Pero, nu’ng Sunday morning, inanunsiyo ni Gary na tuloy ang second night ng concert.
Aniya, “No weapon formed against me will prosper.”
Ang kanyang opening number ay Shout For Joy, kung saan patalon siyang lumabas mula sa butas sa gitna ng stage at aksidente pa siyang nadulas, na buti naman ay minor lang ang naging tama niya.
Walang nakitang sign ng weakness or illness sa kanyang unang song number, but he eventually slowed it down.
“What a challenge it has been to even step on this stage today,” wika ng icon singer na paminsan-minsan ay humihinto para makapagpahinga.
Aniya, “Alam mo, hindi na namin sinundan ‘yung original line-up ng concert. Hindi naman tipong bahala na, we changed it a bit simply because it was a challenge kasi.”
Pagbubulgar niya, may deadline daw sila ng 9:00 AM nu’ng Sunday para malaman kung itutuloy ba nila ang concert kinagabihan o hindi.
“At 8:15 AM, (my wife) Angeli came up to me and said, ‘You’re gonna be great, Gary.’ I looked up to her and said, ‘I cannot do this concert, I cannot.’ But the kind of wife that she is, she was persistent and she believed I could not do it, but God could,” lahad ni Mr. Pure Energy.
Mahigit dalawang oras tumagal ang show kung saan may mga times na pahintu-hinto si Gary para makapagpahinga sandali, uminom at kumain ng yelo dahil nade-dehydrate pa rin siya.
Dalawang beses din niyang tsinek ang kanyang sugar level kung okay pa dahil gusto niyang tapusin ang show.
“‘Pag humihinto ako, at pumupunta ako dito sa tabi, I just had to get some ice chips, it was a severe hydration and mouth becomes dry too quickly,” aniya sa audience.
Ipinakita rin niya ang kanyang elbow kung saan naka-attach ang strap ng IV plug, in case of emergency.
“I know that God said, ‘You’re gonna step on that stage tonight, Gary, and you’re gonna shine for me,’” pakli niya.
Samantala, ilan sa mga naging guests ni Gary ay ang SB19 (kinanta nila ang Babalik Ka Rin), sina Gloc-9 and Jay Durias, Darren Espanto at Kiana Valenciano-Tolentino.
Nag-perform din at kasamang sumayaw ni Gary ang award-winning group na A-Team, the original Maneuvers and its new members, AC Bonifacio at ang anak ni Gary na si Gab Valenciano.
May mensahe rin siya sa anak niyang si Paolo, ang direktor ng show na tinawag niyang “the best in the country”.
“To say that I am proud of you is too much of an understatement, son. I love you so dearly. You are such an example to your brother and your sister. Your children have a good mom and dad, take good care of them. I love you so much,” sambit ng OPM icon singer sa panganay na anak.
Nagbigay din siya ng ten-minute speech, kung saan sinabi niyang hindi pa siya magre-retire kundi may gagawin lang daw siyang bagong calling sa kanya.
Ipinakita rin ang trailer ng upcoming Pure Energy documentary niya after the show.