top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | Nov. 1, 2024



Photo: Gabby Concepcion at Sharon Cuneta - Instagram


Naging matagumpay ang first leg ng US-Canada tour ng Dear Heart (DH) nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta noong  Oct. 26 na ginanap sa Harrah’s Resort sa Southern California.


Napanood namin ang kabuuan ng concert sa pamamagitan ng Facebook (FB) live at sa ini-upload sa YouTube (YT) ng isang ShaGab fanatic, na ikinatuwa ng mga fans na nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Ganu’n na lang ang pasasalamat ng marami dahil nakanood sila nang libre. 


Tuwang-tuwa sila at kilig na kilig ang mga nakasaksi sa reunion concert ng dating mag-asawa, ganu’n din ang mga team bahay, lalo na ‘yung nasa ‘Pinas. 


Pero may ilang nakapansin na parang hindi sila ganu’n ka-sweet kumpara sa sweetness nila sa Manila concert last year. Ramdam ng mga nanood ang pagpipigil ni Sharon, kaya panay ang sigawan kapag nagho-holding hands ang dalawa at naglalapit. Hindi rin pinagbigyan ni Sharon na mag-kiss si Gabby sa cheeks niya, kaya hanggang sa hands lang.


Inamin din nina Sharon at Gabby sa simula ng concert na kung nagkukumustahan sila — na huli pa silang nagkita noong DH concert in Cebu — hindi rin daw sila nagtatawagan after ng concert. Kaya happy sila na natuloy din ang concert tour, matapos mag-cancel ang repeat sana ng concert noong February. 


Isa sa mga memorable songs na kinanta nina Sharon at Gabby ang Never Ever Say Goodbye ni Nonoy Zuñiga, na paalala muli ng Megastar na ‘wag na ‘wag daw kakantahin sa wedding, dahil baka maghiwalay din ang mag-asawa tulad ng nangyari sa kanila ni Gabby.


Marami rin ang nabitin sa almost two hours na show, na kahit mag-more pa sila ay hindi pupuwede dahil may oras sa venue, ‘di tulad dito sa Manila na inaabot ng tatlong oras.


Sa second leg ng tour noong October 27 at Saban Theatre in Beverly Hills, California, mukhang bumawi naman sina Sharon at Gabby, dahil mas sweet na sila this time. Kaya mas tuwang-tuwa ang mga nakapanood nang live at sa social media platforms.


May eksena pa ngang tinanggal ni Sharon ang shades ni Gabby, kaya mas nakakakilig ang kanilang titigan. Mas may kilig ang kanilang yakapan at paghahawakan.


Ang next show nila ay sa Nov. 2 sa The Meeting House in Oakville, Ontario, Canada, ilang araw bago ang 60th birthday ni Gabby sa Nov. 5. Kaya inamin ng aktor na magiging memorable ang celebration niya dahil sa concert tour. 


Ang tanong nga ni Gabby kay Sharon, pupunta ba si Mega sa party niya?

Marami naman ang nagwi-wish na sana ay makasama rin sa US tour nila si KC Concepcion.


Pero ayon sa naging pahayag ni Gabby sa isang interbyu, “It would be nice if she could join us. I was talking to her. If she ever does not join the tour, I hope we see KC before we leave.”


Labis-labis nga ang pasasalamat nina Sharon at Gabby sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang love team, kahit maputi na ang kanilang buhok, sabi nga ng kanta. And in fairness, nakakaiyak pa rin ‘pag kinakanta nila ang Come What May.


Ang iba pang shows ay sa Nov. 15 at The Venue, Thunder Valley Casino Resort in Lincoln, Canada, Nov. 17 sa Las Vegas Resort and Casino in Las Vegas, Nevada, Nov. 21 sa Club Regent Events Centre in Winnipeg, Manitoba. 


Next show nila sa Nov. 23 sa Hawaii Convention Center in Honolulu at last leg nito sa Nov. 29 na gaganapin naman sa Chandos Pattison Auditorium in Surrey, British Columbia.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 5, 2020




May mga natuwa na sana sa balitang posibleng magsama sa isang show sa TV5 ang mag-amang Gabby at KC Concepcion dahil marami ang nag-aabang na mapanood sila together. Kaya lang, hindi pala puwedeng tumanggap ng project sa ibang network si Gabby dahil may exclusive contract siya sa GMA Network.


Si KC naman, nasulat ni katotong Reggee Bonoan ang pahayag ng management nito na wala ring offer sa kanya ang TV5 at kung may offer man at tanggapin ni KC, hindi si Gabby ang makakasama dahil nga may exclusive contract ang aktor sa Kapuso Network.


In fact, may ginagawang rom-com series si Gabby kasama si Marian Rivera, pero

isang araw pa lang silang nagte-taping ng First Yaya, natigil na dahil sa Covid-19.


Baka raw sa October magre-resume ang taping ng rom-com series na unang pagsasama ng dalawang Kapuso stars.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 2, 2020




Sa pagpasok ng 'BER' months, isa noon si Megastar Sharon Cuneta sa sobrang abala sa pagbabalot ng gifts at pagsusulat sa kanyang personalized gift cards at kung minsan naman, imported Christmas greeting cards.


Isa kami sa masusuwerteng nakatatanggap ng yearly special Christmas gift na ito ni Mega na hanggang ngayon ay naitabi pa namin. Siya 'yung pinakaunang nagbibigay ng holiday gift at after Christmas, may Valentine's gift din siya na ipinadadala na personalized din, kaya labis mong ikatutuwa 'yun.


Pero isang Pasko, nagkasakit siya dahil sa stress, naospital at muntik na niyang ikamatay, kaya itinigil na niya 'yung kanyang Christmas tradition, na taun-taon niyang nami-miss.


Sa IG post niya nitong August 31, muli niya itong inalala. Caption niya, "This reminds me of the younger me (not looking like this lady at all obviously!) in jeans and a shirt (replace the butler with my late Yaya Luring), gift-wrapping ALL gifts myself overnight for days! Playing Alien, Aliens & Alien 3 over and over on the big TV in my Mom & Dad’s Music Room to keep me company (sometimes it was the whole Rocky series. Whatever was there that I liked!).


"I got sick one Christmas because of stress. They took my blood pressure because I was looking so pale. Turned out it was 200/190 or higher. Kiko and my cardiologist got so angry I went to St. Luke’s that night. After that, I couldn’t do my beloved Christmas routine anymore. Well, the list DID get longer every year and I always had much more to do. Even writing on the gift cards, I refused to delegate. I still have a hard time delegating personal stuff I’d rather do myself.


"Well, I realize now, better than nothing. Still... They STOLE CHRISTMAS FROM ME! And I was born a Christmas person. Even my initials are the same as Santa Claus’! Hahaha! My favorite season of the year."


Samantala, nag-post si Sharon ng collage photos ng favorite South Korean actors na sina Hyun Bin, Ji Chang Wook, Lee Min Ho at Kim Soo Hyun at may caption na, "May kulang..."


Nag-react naman ang mga fans, at nag-suggest pa ng ibang K-drama actors, pero ang kulang talaga sa list ay si Gong Yoo, na una niyang naging love.


Kaya ang sinunod niyang ipinost ay ang solo pic ni Gong Yoo, "Okay!" na tingin ng mga fans ay may special treatment.


Kaya nag-react si @gens_marlyn, "Ayan, kailangan talaga hiwalay. Hahahaha! Ok na po!"

Sagot naman ni Mega, "At 'di rin kasi nagkasya. Hahaha!"


Reply naman ni @gens_marlyn, "@reallysharoncuneta Oo nga, forgiven na 'yun! Hahaha!"


Kaso, may nag-react na naman sa pagpo-post ni Sharon ng mga kinababaliwan at hinahangaang K-actors.


Comment ni @jlagunsad, "Napaghahalata na tuloy, hindi pa naka-get over kay Gabby. Naku, Mrs. Sharon, walang masama kung mahilig ka sa guwapo kung single ka pa, mahabag ka naman sa asawa mo na si Kiko, sa tingin mo, hindi nagseselos 'yan? Piece of advice, delicadeza naman. Idol pa naman kayo ng nanay ko. Nakakaawa si Kiko."


Nag-agree si @ednaobligacion kay @jlagunsad, "I agree with you. Mas guwapo naman si Senator Kiko Pangilinan kaysa sa mga Koreano na 'yan. Tama! Respeto at delicadeza naman."


Kasunod naman niyang ipinost ang short video ni Lee Min Ho kasama ang heart emoticon.


Pero tinalbugan ng post niya kay Hyun Bin na may caption na, "Hi Honey. Uy #Binnie #hyunbin #hyunbinishappiness."


Hindi pa rin nagpaawat si Mega dahil may series of post din siya sa fave K-pop group niya na SHINee.


Sa YouTube channel nga ni Mega, ipinasilip niya ang iba pang K-pop boy and girl group na nagustuhan niya.


Marami man ang nagri-react sa kanyang pagkahumaling sa mga Korean stars, keber na lang niya dahil lahat naman tayo ay may karapatang maging fan kahit ano pa'ng edad natin.


Katwiran ni Sharon, "There's no age limit to being a fan of K-pop groups or K-drama. If they make you happy, hey, you only live once."


Tama nga naman, dahil may kakaiba itong hatid na saya, kaya sige lang, sabi nga, kani-kanyang trip lang at mapaglilibangan lalo na ngayong nahaharap tayo sa pandemya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page