top of page
Search

ni Lolet Abania | July 23, 2021



Hindi nabakunahan laban sa COVID-19 ang 18 mula sa kabuuang 47 cases ng mas nakahahawang sakit na Delta variant ng coronavirus.


Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 2 sa ibang tinamaan ng Delta variant ay mga fully vaccinated, 4 ang nakatanggap ng isang dose ng COVID-19 vaccine, habang ang vaccination status ng natitirang 23 cases ay bineberipika pa.


Sa kabuuang 47 kaso ng Delta variant, 36 ang nakarekober na, 3 ang nasawi at 8 ang nananatiling aktibo subalit sila ay mga asymptomatic.


Gayunman, hindi tinukoy ng DOH kung sino sa nasawi, nakarekober at actives cases ang nabakunahan na kontra-COVID-19.


Samantala, sinabi ni Vergeire na 24 kaso ng Delta variant ay mga returning overseas Filipinos (ROFs), 22 ay local cases, habang bineberipika pa ng DOH kung ang isang kaso ay local o ROF.


Pitong pasyente naman ay mula sa Metro Manila, kabilang ang Manila, Pasig, at Taguig.


Anim sa ibang Delta variant cases ay naitala sa Region 6; 2 sa Region 4A; 2 sa Region 6; habang 6 sa Region 10.


Sa kabuuang Delta variant cases, 32 o 76% ay mga lalaki, kung saan ang mga pasyente ay 14-anyos hanggang 79 taong gulang.


Ayon pa kay Vergeire ang 12 bagong local cases na nai-report kahapon ay isasailalim sa isang reassessment.


“That’s our protocol, actually. When we detect this variant, ang ginagawa po natin, binabalikan po natin ‘yung mga individuals… at atin po silang nire-retest and then we quarantine them until we can get their results,” ani Vergeire sa isang briefing ngayong Biyernes.


Binanggit din ng kalihim na nakitaan na ng pagdami ng COVID-19 cases na infected ng mas nakahahawang Delta variant ang Northern Mindanao at ang lalawigan ng Antique.


“Nakita na po natin ‘yung cluster of infection sa Northern Mindanao, nakita po natin na ito ay family cluster. Nakita rin po natin na merong cluster of infection dito sa Antique,” sabi ni Vergeire.


 
 

ni Lolet Abania | July 14, 2021


Ipinauubaya na ng Department of Tourism sa mga local government units (LGUs) ang pag-oobliga sa mga travelers at turista kung kinakailangang fully vaccinated na o may RT-PCR COVID-19 test results bago makapasok sa kanilang bayan.


“That is what the [Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases] gave. It is for the LGUs to decide either fully vaccinated or as an alternative to an RT-PCR swab,” ani DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ayon kay Puyat, nakasaad sa kasalukuyang polisiya ng gobyerno, “either/or” at hindi na inoobliga na parehong dapat mayroon nito. “LGU knows the cases, how to handle, and how many hospitals they have in their own destination,” paliwanag ni Puyat.


Binanggit ng kalihim na nais ng ilang LGUs na fully-vaccinated na ang mga turistang papasok sa kanilang lokalidad subalit mas gusto nilang maraming residente sa kanilang nasasakupan ang mabakunahan kontra-COVID-19.


“You don’t only protect the tourist but also the locals,” sabi ng kalihim. Gayunman, sinabi ni Puyat na kailangang i-verify ng isang traveler ang kanyang vaccination status.


“The LGUs want to have the way to authenticate [the vaccination]. Kung ang RT-PCR nga, napepeke, ito pa kaya,” saad ni Puyat.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021



Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalawa at huling dose ng Sinopharm COVID-19 vaccine noong Lunes, ayon kay Senator Bong Go.


Ipinost ni Go sa kanyang Facebook page ang mga larawan ni P-Duterte habang binabakunahan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.


Samantala, ang Sinopharm ay napagkalooban ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) noong June 7.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page