ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 28, 2024
Photo: Team Ogie Kimmy Magpasikat - It's Showtime
Para kina Ogie Alcasid, Lassy and MC, si Kim Chiu ang lucky charm nila kaya nanalo sila sa Magpasikat 2024 ng It’s Showtime (IS).
Ang Fourtastic Combo nga na sina Ogie, Kim, Lassy at MC ang hinirang na champion sa Magpasikat 2024.
Kitang-kita nga ang saya sa apat nang makapanayam ng ABS-CBN after the show last Saturday. Natanong nga sila kung sino ang kanilang lucky charm at walang kagatul-gatol na sagot nina Ogie, Lassy at MC ay si Kim daw.
Pero hirit pa ni Ogie, “At si Pau (Paulo Avelino).”
Natawa naman si Kim sa sinabi ni Ogie.
“Nasama kami sa mga mahuhusay,” sey ni Lassy.
“Nakakatakot (ang) stunts pero sobrang nakakatawa ang team na ‘to kaya nakakawala ng pagod. Tamang timpla kami. Kaya itong moment na ‘to sobrang sarap sa pakiramdam,” sabi naman ni Kim na nakakabilib naman talaga ang buwis-buhay na paglalambitin.
Ayon pa sa aktres ay hindi nga raw nila inaasahang mananalo sila at tanggap na nilang talo sila. Aniya pa, ang grupo raw nila ang may pinakamaigsing oras ng preparasyon.
“Hashtag acceptance na kami, eh,” sey ni Kimmy.
“Basta nagawa namin nang maayos ang production namin,” dagdag niya.
Ayon kay Ogie, bonus na lang daw ang panalo nila dahil ang mas importante ay naiparating nila ang mensaheng nais nilang sabihin sa manonood.
Ang tema ng Fourtastic Combo ay “Tigil, Hinga, Kalma” at ipinakita nila ang kahalagahan ng pagpapahinga at pagkalma sa gitna ng mga mabigat na pinagdaraanan.
“Nabasa ko (ang mga) comments na naintindihan nila (ang) gusto naming sabihin more than anything else. Nakuha nila,” sey ni Ogie.
PERSONAL na nakiramay si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa mga kababayang namatayan at sinalanta ng Bagyong Kristine nang magtungo ito sa Naga at iba't ibang bayan sa Camarines Sur.
Ayon kay Sen. Bong, nakikidalamhati siya sa masakit at matinding pagsubok na sinapit ng mga kababayan sa Naga.
“Mula po sa ‘kin, kasama na ang aking pamilya, ay gusto ko pong ipaabot sa inyo ang aming mahigpit na pagyakap! Hindi po kayo nag-iisa sa mga panahon na ‘to. Kasama n’yo kaming titindig para sa inyong muling pagbangon,” ani Revilla.
Sa buong Bicol Region, aabot sa 28 katao ang namatay habang 78 lugar ang isinailalim sa state of calamity.
Hinimok ni Sen. Bong ang mga kababayan na sa kabila ng trahedya, huwag mawalan ng pag-asa at sama-samang bumangon.
“Napakahirap po ng pinagdaanan ng bawat isa. Sobrang nakakahabag ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan. Nakakalungkot. Sa totoo lang po, hindi ko lubos maisip ang tindi at hirap na nararanasan ngayon. Ang sakit isipin ang sinapit ng ating mga kababayan,” pahayag ng senador.
Personal na nag-abot si Sen. Bong ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo. Namahagi siya ng mga tubig, relief packs at iba pang pagkain para sa mga kababayan.
Natagalan aniya ang pagdadala ng tulong dahil marami pang kalsada at tulay ang nasıra at hindi madaanan dahil sa hagupit ni Kristine.
“Basta tatandaan n’yo po, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tuloy po ang buhay at hindi po kayo mag-iisa sa pagbangon at muling pagsisimula,” saad ng aktor-pulitiko.