ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 15, 2023
Bilang nagdiriwang siya ng kanyang 52nd birthday kahapon (Feb. 14), nagbigay ng update sa kanyang Instagram page si Kris Aquino tungkol sa kanyang buhay sa Amerika, gayundin sa kanyang kalusugan.
Ibinalita niyang nakahanap na siya ng titirahang bahay at super happy siya dahil sa tabi ito ng dagat na matagal na niyang pinapangarap.
“We found a temporary home on Zillow that was also listed on AirBnB, available for a monthly lease… Dream come true for me because name the beach development back in the Phils., nag-viewing na kami…This home is in an excellent location, with fresh sea air and a nicely furnished patio with a beautiful view of the sea…” pagbabalita ni Kris.
Patuloy niya, “Hindi pa po ito 'yung permanent base namin because medyo malayo from the hospitals where my doctors are. Plus no area for me to isolate once my 1st cycle of treatment starts before the end of February.
“But after months of searching, finally may nahanap, just in time for my birthday… We are 14 hours behind Philippine time, in advance, THANK YOU because you continue to give me the best gift anybody in my situation could ask for, your prayers.”
Pero ang intriguing part ng kanyang post ay may binanggit siyang guy na lumipad pa raw sa US para makasama siya na hindi niya sinabi kung sino. Pero sa hula ng mga netizens, ito ay si Batangas Vice-Gov. Mark Leviste.
“I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the USA… But you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort, I am GRATEFUL…” pagbabahagi ni Kris.
‘Yun nga lang, may nabanggit din siyang bagong result ng kanyang checkup na hindi related sa sakit niyang autoimmune pero mukhang hindi maganda ang findings.
“I promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related). After iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, I am still blessed… IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…” lahad niya.
“Sa dami n'yong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherapy), imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama.
"To all, a #lovelovelove day ahead of you, from the very thankful soon to be 52 year old birthday girl,” pagtatapos ni Kris.