ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 10, 2024
Usap-usapan ngayon sa online world ang hindi magandang komento ng GMA Network writer na si Brylle Tabora kay Xian Lim.
Nag-react kasi ang naturang writer sa post ng Esquire Magazine kung saan nga ay nagkaroon ng exclusive interview si Xian at inamin ang relasyon nila ni Iris Lee.
Makikita sa post ng Esquire ang quotation ni Xian na “When I love, I go all out.”
Sa comment section ay makikita ang reaksiyon ni Brylle at dito ay sinabi niyang napakahirap daw katrabaho ni Xian at ginawa raw miserable ang buhay niya.
“What a friggin joke, and he's also super difficult to work with. Made our lives as TV writers miserable,” ang matapang na statement ni Brylle.
Si Brylle ang writer ng Hearts on Ice, isang drama series na pinagbidahan ni Xian na inere last year sa GMA-7.
Anyway, bukas ang aming kolum para sa pahayag ni Xian sa isyung ito.