ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 19, 2024
Tila sagot ni JM de Guzman sa kanyang mga bashers ang ipinost niyang larawan na naka-topless siya at kitang-kita ang kanyang abs, muscles at fit na pangangatawan.
Na-bash kasi nang bonggang-bongga ang aktor nang dumalo kamakailan sa Star Magic Hot Summer 2024 na ginanap sa isang resort sa San Juan, Batangas.
Komento ng mga netizens, parang napadaan lang daw si JM sa event at sinabihang malusog ang aktor ngayon.
“
Busog yata si JM,” sey ng isang netizen.
“Parang naligaw at napadaan lang si JM de Guzman, LOL (laugh out loud),” sabi naman ng isa pa.
Sa kanyang latest Instagram post ay super-slim ang aktor, kaya naman this time ay pinuri-puri na siya ng mga netizens.
Narito ang ilan sa mga comments nila:
“Nice (fire emoji) ‘yan wala nang may mag-comment na mataba si JM. ‘Yun, ganda na ulit ng katawan (fire emoji).”
“Soooo proud of your progress, JM!”
“Killed it, bro!”
“Keep it up, lodi (idol) who you kayong mga bashers (fire emoji).”
“Wow ang hot na ni JM (in love emoji).”
Ipinost din ni JM ang komento ng isa niyang fan na ipinagtatanggol siya.
Sabi ng fan, “‘Di madali ‘yung ginawa mo pero sinikap mo, ang galing mo. So proud of you! Ipagpatuloy mo ‘yan hanggang sa makamit mo ‘yung gusto mong weight, Astig.”