ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 22, 2024
Marami ang humahanga sa morena skin ni Lovi Poe at maituturing ngang isa ito sa mga assets niya. Especially nga ang mga foreigners, talagang inggit na inggit sila sa skin color ng aktres.
Pero did you know na nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz when she was 15 years old ay marami raw ang nanlalait sa kanyang skin color at sinasabihan siyang hindi sisikat?
“I remember before when I was starting,” sey ng aktres sa contract signing niya as SCD Skin Care ambassador, “I was told — I’m gonna share it na lang — that I was never gonna make it because I was dark-skinned. I was never gonna make it because I don’t have… I’m flat-chested.”
Sinasabihan din daw siya noon na chubby kaya hindi raw siya sisikat.
Naapektuhan din daw siya sa mga masasakit na opinyon ng mga tao, pero ginawa niya na lang daw itong challenge at ginalingan na lang ang kanyang trabaho.
Kahit sinasabihan daw siya ng lahat noon na mag-take ng mga pampaputi like glutathione ay hindi raw niya ito sinunod.
“I was like, ‘You know what? Who cares? You know what, I’ll just do me’ and I was just like, ‘If they don’t want that I’m flat-chested, I don’t care. Gagalingan ko na lang sa pag-arte.
Gagalingan ko na lang sa ibang aspect,'” ani Lovi.
As she grew older ay lalo niya raw natutunan na i-value at mahalin ang sarili na siyang pinakaimportante.
“Kasi sino pa ba ang magmamahal sa sarili mo even more than anyone else kung hindi ikaw din lang naman, ‘di ba? And you know, everything suddenly came through. And hindi na siya naging problem for me,” paliwanag niya.
Marami rin daw ang nagsasabi sa kanya na magpa-enhance ng boobs at aminado siyang sumagi rin naman sa isip niya.
“But I’m so paranoid, sa totoo lang. I’m too paranoid to do anything like that. So, I’m happy that I didn’t. Because now, I can wear anything I want,” sey niya.
Pero hirit niya, naiinggit din daw siya sa mga taong may side boobs.
“Sa totoo lang, nakakainggit ‘yung mga taong may side boob,” sabay-tawa. “‘Pag nakikita ko sila, sana all.”
She also realized na what makes you different is what gonna make you shine at niyakap niya nang buung-buo ang kanyang uniqueness.
Anyway, pangalawang taon na ito ni Lovi bilang SCD ambassador at masayang-masaya siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng CEO na si Miss Gracee Angeles.
“I’m just so happy to be part of this family and thank you so much for having me,” sey ni Lovi.
Ikinuwento rin ng aktres na during her wedding preparations ay talagang puro SCD products ang ginagamit niya at gustung-gusto niya ang mga skin care products ng kumpanya.
Ayon naman kay Ms. Gracee, before getting Lovi ay talagang naghahanap sila ng celebrity endorser na babagay sa kanilang skin care product at perfect na perfect daw ang morena skin ng aktres sa kanilang mga produkto plus napakaelegante raw ng image nito na bagay na bagay din sa kanilang kumpanya.
At dahil kay Lovi ay lalo raw nakilala sa market ang SCD Skin Care.