ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 12, 2024
Photo: Yasmien Kurdi - Instagram
Bilang ina, wasak na wasak ang puso ngayon ni Yasmien Kurdi dahil sa sinapit ng kanyang panganay na anak na si Ayesha.
Ibinunyag ng aktres sa kanyang Facebook (FB) post last Tuesday ang pambu-bully na naranasan ng kanyang anak mula sa mga kaklase kung saan ay pinagtulungan daw ito ng 7-9 na estudyante.
“Today, my daughter was targeted by a group of students in her class because she was unable to keep up with group messages about their upcoming Christmas party while we were out of the country.
“Surrounded by 7-9 students, Ayesha was blocked from leaving the classroom and was denied her food and recess!” pagsisiwalat ni Yasmien.
“In other words, she was ganged up on,” aniya.
She also revealed na may mga estudyante ring nang-harass sa kanyang anak by taking video without her consent at ito raw ang dahilan kung bakit nagbakasyon muna sila sa ibang bansa.
“Ayesha took a vacation to relieve the stress caused by another students who harassed her by taking video without her consent. This caused her paranoia and anxiety,” lahad ng aktres.
Sinabi rin niya na since Grade 2 ay nakakaranas na si Ayesha ng pambu-bully.
“Ayesha is just a kid; she recently turned 12. And she has been enduring this type of bullying since Grade 2, alarmingly this has led to the creation of an online ‘AYESHA HATE CLUB’ targeting her,” ani Yasmien.
“For some reason, some of these students are now in her class. I am not surprised that the parents of bullies come to their rescue.
“However, twisting events and claiming it was a regular student meeting and questioning back my daughters behavior is absurd.
“Mind you, these are mostly girls, if not all,” patuloy niya.
“Gusto mo ba gawin ito sa anak mong babae?” pagtatapos ng aktres.
Sa sumunod na post ni Yasmien ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang anak na malungkot at nasa tabi ng bintana. Sa caption ay humingi ng tawad ang aktres sa kanyang eldest daughter kasabay ng pagpapahayag ng suporta.
“I’m so sorry, Ayesha. You have to go through all of this because I am your mom. But I will always be here for you. I will protect you with all my life. You are beautiful inside and out,” mensahe ni Yasmien sa anak.
Maraming netizens ang naalarma sa sinapit ni Ayesha at nagpahayag din sila ng suporta sa dalagita.
LABIS-LABIS ang pasasalamat at saya ni Alfred Vargas sa bagong milestone sa kanyang career. For the third time ay muli siyang nanalong Best Actor para sa pelikula niyang Pieta sa katatapos lamang na international film festival sa Japan.
Sa kanyang Instagram (IG) post ay proud na ibinahagi ni Alfred ang magandang balita kasabay ng pagpapasalamat.
“With extreme gratitude and humility, I am honored to share another milestone in my 22-year acting career! We recently won my [third] BEST ACTOR Award this year for the film, PIETA, and this time, in Ima Wa Ima Asian International Film Festival in Osaka, Japan,” ani Alfred.
Personal na pumunta ang aktor sa Japan kasama ang anak na si Cristiano para tanggapin ang parangal.
Sa ipinost niyang acceptance speech ay inialay ni Alfred ang kanyang tropeo sa anak na si Cristiano.
Pinasalamatan din niya si Superstar Nora Aunor sa pagtanggap sa proyekto, gayundin si Gina Alajar na isa rin sa cast, direktor na si Adolf Alix at manager na si Lolit Solis.
“I want to thank our Superstar Ms. Nora Aunor for accepting this project. Kay Direk Gina Alajar for guiding me and always supporting me pagdating sa improvement ng aking craft. And kay Direk Adolf Alix for bringing everyone together for this film. Special thanks to Nanay Lolit Solis for managing my career for 20 years and to Direk Nijel de Mesa, who also won here tonight, for getting me into theater performance way back in college in Tanghalang Ateneo. Kung wala sila, wala ako rito ngayon,” pahayag ng aktor.
Siyempre, hindi nakalimutang pasalamatan ni Alfred ang misis na si Yasmine, gayundin ang apat nilang anak.
“Thank you Amore ko @yasmine_vargas2307, my 4 children, my bro Cong. PM, Ate Bunny and Ditse Caron, and all my fans who’ve been there for me since day one, SOLID FRIENDS, for always giving me inspiration. Tagumpay natin ito!” pagtatapos ni Alfred Vargas.