ni Thea Janica Teh | November 10, 2020
Isang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at BioNTech sa Paris, France ang napag-alamang epektibo na ng 90% sa pagpapatuloy nito sa Phase 3 trial.
Matapos mabigyan ng dalawang dose na may pagitan ng 28 araw, naprotektahan ng vaccine ang mga pasyente laban sa COVID-19. Ayon kay Pfizer Chairman at CEO Alberto Bourla, "The first set of results from our Phase 3 COVID-19 vaccine trial provides the initial evidence of our vaccine's ability to prevent COVID-19."
Ito umano ay isa nang malaking pag-asa na malapit nang magawa ang COVID-19 vaccine na makakapuksa sa krisis pangkalusugan ng buong mundo.
"We are reaching this critical milestone in our vaccine development program at a time when the world needs it most," dagdag ni Bourla.
Inaasahan na gagawa ang kumpanya ng halos 50 milyong vaccine doses para sa buong mundo ngayong 2020 at 1.3 bilyon sa darating na 2021.