ni Angela Fernando - Trainee @News | April 13, 2024
Malapit nang makumpleto ang pagsasaayos sa Notre-Dame Cathedral matapos itong matupok sa sunog limang taon ang nakararaan.
Matatandaang nu'ng gabi ng Abril 15, 2019, biglaang nagliyab ang bubong ng simbahan na agad kumalat sa gusali.
Nilinaw naman ni Emmanuel Macron, presidente ng France, na gusto niyang mailagay sa ayos ang estado sa pamamagitan ng tuluyang pagkakabuo ng simbahan.
Kasalukuyang hindi pa rin malinaw kung paano nagsimula ang sunog na tumupok sa cathedral ngunit sinabi ng mga otoridad na maaaring kuryente o sigarilyo ang naging mitsa ng nasabing insidente.