ang mga problema.
ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | June 05, 2021
Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tandang o Rooster ngayong Year of the Metal Ox.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Tandang o Rooster.
Bukod sa ugaling organisado at perpeksiyunista, kilala rin ang Tandang sa pagiging matapang at matalino. Kaya naman sa anumang laban ng buhay, ang Tandang ay hindi basta-basta umaatras o sumusuko. Sa halip, matapos niyang isipin at timbangin ang isang paraan, sa paghugot ng kanyang espada at pagsugod, tiyak ang kanyang pananaig at pagtatagumpay.
Dagdag pa rito, isa rin sa pangunahing mahusay na ugali ng Tandang ay ang pagma-manage ng mga taong kanyang nasasakupan kung saan madali niyang nakukumbinse at nauutusan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya naman sinasabing ang isa sa pinakamagandang trabaho o propesyon para sa isang Tandang ay ang pagiging manager sa isang kumpanya o korporasyon. Puwede rin sa kanya ang pamumulitika o leader na siya ang hahawak ng malaking grupo ng mga tao na tiyak namang mapapasunod niya at mama-manage niya nang maganda at maayos.
Napakahusay din ng Tandang na mag-analisa ng mga bagay, kaya madali niyang nasosolusyunan ang anumang mahirap na problema at pasubok. Sa pakikipagdebate, sobrang lawak din ng kanyang isip at pinagkukunan. Ang problema lang, kapag tiyak siyang tama ang isang bagay na kanyang pinaninindigan, hinding-hindi niya babaguhin ang prinsipyo o paniniwala na kanyang napanghawakan.
Sa asta at pagkatao, madali mong makikilala ang Tandang dahil ang porma niya ay palaging buo ang loob, malaki ang tiwala sa sarili at simpatiko. Ito ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa lipunan at ito rin ang mukhang inihaharap at ipinakikita niya sa mundo. Kaya naman binihirang-bihira kang makakita ng Tandang na malungkutin at lupaypay ang balikat. Dahil tulad ng isang matikas na Tandang, palaging buo ang loob at may pagmalalaki niyang hinaharap ang mga tao at mundo na kanyang ginagalawan.
Nagagawa ng Tandang ang ganito kakisig at kahusay na tindig dahil ang totoo nito, sa bawat paggising niya, nagtataka rin siya sa kanyang sarili kung saan palaging punumpuno ng istamina, reserbang lakas at positibong pananaw ang pang-araw-araw na buhay ng isang Tandang.
Sinasabing kung ang lahat ng magagandang katangiang ito ng isang Tandang ay gagamitin niya sa negosyo at pagpapayaman, tiyak na makabubuo ng siya ng isang sobrang sopistikado, de-kalidad at napakayamang emperyo.
Itutuloy