top of page
Search

ni Lolet Abania | October 5, 2021



Naglabas ng anunsiyo ang airport authorities hinggil sa kanselasyon ng ilang mga flights ngayong Martes, Oktubre 5, 2021, dahil ito sa masamang panahon dulot ng Bagyong Lannie.


Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang mga flights na na-cancel ngayong araw ay Cebu Pacific (5J) -- 5J 196/197 Manila-Cauayan (Isabela)-Manila; Air Swift (T6) -- T6 5110/5111 Manila-Puerto Princesa-Manila.


Samantala, patuloy namang magbibigay ng update ang MIAA sa posibleng kanseladong biyahe ngayong Martes.

 
 

ni Lolet Abania | July 22, 2021



Sinuspinde ang mga operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Huwebes nang hapon dahil sa masamang panahon.


“Flight and ground operations at the NAIA are suspended,” ayon sa inilabas na advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA).


Agad na ibinaba ang suspensiyon ng operayon ng NAIA dahil sa inisyung Lightning Red Alert ng PAGASA nang alas-1:39 ng hapon.


“The alert is a safety measure taken to prevent untoward incident from happening when lightnings are prevalent in the immediate area and may endanger personnel, passengers and even flight operations,” pahayag ng pamunuan ng MIAA.


Gayunman, ibinalik din ng MIAA ang mga flight operations matapos na ibaba ng PAGASA ang warning mula sa Lightning Red Alert sa Yellow Alert nang alas-2:19 ng hapon.


 
 

ni Lolet Abania | July 14, 2021


Pinalawig ng pamahalaan ang pagbabawal sa mga inbound flights na mula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang July 31, 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ito ang inianunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque isang araw bago mag-expire ang initial ban ng nasabing mga bansa ngayong July 15.


Samantala, sinabi naman ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapatupad ng ban sa mga travelers mula sa Indonesia.


“Nag-aantay lang po tayo ng kasagutan mula sa OP but the IATF has already recommended that Indonesia be included in the list of countries that we initially imposed a travel ban [on],” ani Duque sa isang pre-SONA forum.


Subalit, ayon kay Roque, wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatupad din ng katulad na ban sa Indonesia na nakakaranas sa ngayon ng pagtaas ng mga kaso ng mas transmissible na Delta variant ng COVID-19.


“We already have a recommendation but let us wait for the decision of the President,” ani Roque sa briefing ngayong Miyerkules. Nitong Martes, nakapagtala ang Indonesia ng record-high na 47,899 bagong COVID-19 infections at plano nilang mag-order ng oxygen supplies para sa kanilang mga pasyente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page