ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2021
Aabutin ng isang buwan ang pag-aanalisa sa black box o flight data recorder ng bumagsak na C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF), ayon sa opisyal ng ahensiya.
Umabot sa 52 ang nasawi kabilang ang 49 sundalo at tatlong sibilyan sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu noong Linggo.
Saad ni PAF Spokesperson Col. Meynard Mariano sa isinagawang press briefing, "About isang buwan ang hihintayin natin for the black box to be analyzed.
"Ia-analyze at maghihintay ng kaunting panahon. It is too early to say kung ano ang nangyari sa incident, pero we are doing everything to fast track the investigation.”
Aniya pa, "Lahat ng anggulo, tinitingnan ng imbestigador. Masasabi ko na ang ating recovery ay 100 percent na. Ang gagawin natin is isasakay sa Navy vessel ang parte ng eroplano sa Mactan at ire-repair, i-reconstruct at titingnan natin ang events sa eroplano.”