top of page
Search

ni Lolet Abania | June 11, 2022



Magkasabay na isasagawa ang flag-raising at wreath-laying sa ilang national historical sites sa bansa sa paggunita ng ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Linggo, Hunyo 12, ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP).


Sa Laging Handa public briefing ngayong Sabado, sinabi ni NHCP Senior Researcher Francis Kristoffer Pasion na kabilang sa mga sites na sabay-sabay na gagawin ang flag-raising at wreath-laying ay sa Barasoian Church sa Malolos, Bulacan; Andres Bonifacio Monument sa Caloocan City, at sa Mactan Shrine sa Cebu.


Pangungunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park.


Ang nasabing okasyon ay maituturing na huling beses na pangungunahan ni Pangulong Duterte ang pagdiriwang bilang presidente dahil magtatapos na ang kanyang termino sa Hunyo 30.


Samantala, isang socio-civic parade, mga cultural shows, at job fair ang magaganap bukas, sa Kawit, Cavite, ang munisipalidad kung saan si Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Pilipinas ay nagdeklara ng Independence Day noong Hunyo 12, 1898.


“Isa sa mga paraan para ipagdiwang ang kalayaan ay maging isang mabuting Pilipino, dapat aware tayo sa ating duties and responsibilities bilang isang mamamayan. Sumunod sa patakaran ng ating lipunan,” sabi ni Pasion.


“Ang pagiging makabayan ay nagta-transcend hindi lang sa pagpapakita ng Philippine flag, ito ay nakikita rin sa ating paghahangad na maiangat ang sarili,” dagdag pa ni Pasion.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 12, 2021



Isinagawa ang flag raising ceremonies sa Luneta Park, Manila ngayong Sabado para sa paggunita sa 123rd Independence Day ng Pilipinas.


Pinangunahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang flag raising ceremony, kasama si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno.


Dumalo rin sa paggunita ng Araw ng Kalayaan si National Historical Commission of the Philippines Chairperson Rene Escalante.


Nag-alay din ng bulaklak ang mga opisyal sa monumento ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.


Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit nagpadala siya ng video message.


Mensahe ng pangulo, "The challenges of the past years have tested our character as a nation. Each of us have been called upon to be heroes in our own right, fighting for our survival and devoting ourselves to the common good just as our heroes did more than a century ago.


“With their noble example, inspiring us to look forward to the brighter future, filled with hope that we will overcome the challenges brought by this pandemic."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page