top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 24, 2024

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 24, 2024




Patay ang tatlong gulang na batang lalaki dahil sa naganap na sunog sa Nagcarlan, Laguna nitong Martes.


Nangyari sa isang bahay sa F. Urra St. sa Poblacion 1 bandang 4 p.m. ng hapon.


Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection - Nagcarlan Fire Station ang naging sanhi ng sunog.


Kasama namang rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa nangyaring insidente.


Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Municipal Social Welfare and Development Office at MDRRMO ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa apektadong pamilya para agarang mabigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 7, 2023




Nasunog ang bahaging rooftop ng isang lodge kahapon ng umaga sa Globo de Oro, Quiapo, Maynila.


Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-6:17 ng umaga nang magsimula ang sunog sa 816 Shairah Lodge na matatagpuan sa Globo de Oro St., Bgy. 834, Quiapo.


Walang idineklarang alarma ngunit alas-7:18 ng umaga nang makontrol ang apoy at alas-7:53 ng umaga nang ideklarang fire-out.


Sa imbestigasyon, nagsimula umano ang apoy sa bahagi ng rooftop ng gusali. Tinaya ng BFP na umabot sa P225,000 halaga ang napinsalang ari-arian. Wala namang iniulat na namatay o nasugatan sa naganap na sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.



 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 14, 2023




Pumalo na sa 80 katao ang nasawi bunsod ng wildfire sa Lahaina, Hawaii.


Ayon sa Federal Emergency Management Agency (FEMA), nasa mahigit 2,200 structures na ang nasira.


Umabot na rin sa $5.5 billion ang damage kung saan libu-libong mga residente ang nawalan ng tahanan.


Patuloy na isinasagawa ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa naturang insidente.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page