top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | July 19, 2024



MJ Lastimosa

Umabot na sa 16 katao ang namatay sa sunog sa isang shopping center sa timog-kanlurang bahagi ng China, ayon sa ulat ng state media. Natapos ang rescue operation para sa insidente bandang alas-3 ng madaling-araw noong Huwebes (1900 GMT Miyerkules).


Ipinakita sa video na inere ng state media CCTV at ibinahagi sa social media noong Miyerkules ng gabi, ang makapal na itim na usok na lumalabas mula sa 14-storey tower sa Zigong, lalawigan ng Sichuan.


Nasa 30 katao ang nailigtas mula sa gusali, at naapula ng mga rescuer ang sunog bandang alas-8:20 ng gabi noong Miyerkules, ayon sa CCTV. Hanggang alas-3 ng umaga noong Huwebes, umabot ang bilang ng namatay sa 16 at walang natitirang nakulong na tao sa loob, ayon sa Xinhua.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | June 25, 2024



News

Isang planta ng lithium battery sa South Korea ang nasunog matapos ang sunud-sunod na pagsabog ng mga baterya nu'ng Lunes, na ikinasawi ng 22 manggagawa, karamihan sa kanila ay mga Chinese nationals.


Kinumpirma ito ng mga opisyal ng mga bumbero sa nasabing bansa na 18 manggagawang Chinese, dalawang South Korean, at isang Laotian ang kabilang sa mga nasawi.


Kumalat ang sunud-sunod na sunog at pagsabog sa battery factory na pinapatakbo ng Aricell manufacturer sa Hwaseong, na matatagpuan sa southwest ng Seoul.


Ayon sa mga opisyal, ang mga biktima ay malamang na nalason ng gas sa loob lamang ng ilang segundo matapos kumalat ang sunog. Hindi pa naman malinaw kung ano ang sanhi ng mga pagsabog at ng sunog na naapula sa loob ng 6 oras.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 4, 2024




Nakita ng isang menor-de-edad na nakaligtas sa pagsabog sa Cabuyao, Laguna ang hindi kilalang lalaki na nagyoyosi malapit sa pabrika ng paputok bago ang insidente.


Nakita sa CCTV footage ang 12-taong gulang na kinilalang si John "Denden" Pastrana na nagtatapon ng mga galon ng tubig at tumatakbo patungo sa loob ng isang kalapit na lugar bago nangyari ang pagsabog.


"Binaba ko po yung galon tapos tumakbo po ako dun sa pagkuhaan ko ng bike. Umusok po. Sumabog. Dumapa po ako tapos gumapang po ako papunta rito. Mabagal lang po..." ani Denden.


Pagbabahagi ng ama ng bata na si Leonito Pastrana, nakasalubong niya ang anak na tinatawag siya kaya sinigawan niya ito pabalik at nagpasalamat sa Diyos na hindi sila nito pinabayaan.


Bago pa ang pagsabog, kwinento rin ni Denden na nakita niya ang isang lalaki na nagyoyosi malapit sa bodega.


Saad niya, "Nagsisigarilyo po. Nakatayo po siya, nakaharap tapos nakikipagusap po sa construction worker."


Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng kapulisan ng Cabuyao ang bawat anggulo sa nangyaring insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page